Facebook

Sara Duterte ‘di tatakbo kahit nanguna sa 2022 presidential survey

NANGUNA si Davao City Mayor Sara Duterte sa survey ng OCTA research team bilang susunod na presidente at bise presidente ng bansa.

Ayon sa OCTA Research, isinagawa ang survey noong Enero 26 hanggang Pebrero 1 sa 1,200 respondents.

Nakkuha si Mayor Sara ng 22 percent na boto mula sa mga respondents habang sumunod si Senador Grace Poe na may 13 percent, Senador Manny Pacquiao at dating Senador Ferdinand Marcos Jr. na parehong nakakuha ng 12 percent. Sumunod naman si Manila Mayor Isko Moreno na may 11 percent habang kulelat si Vice President Leni Robredo na may 5 percent.

Nanguna rin si Mayor Sara sa vice presidential survey na may 14 percent habang sumusunod sina Mayor Isko at Pacquiao na parehong nakakuha ng 11 percent at 10 percent naman si Poe.

Nanguna naman si Pacquiao sa senatorial race matapos makakuha ng 57 percent habang sumusunod sina dating Senador Francis Escudero na may 53 percent, dating House Speaker Alan Peter Cayetano na may 50 percent.

Pasok din sa Magic 12 ang brodkaster na si Erwin Tulfo na may 47 percent, dating Senador Loren Legarda na may 46 percent, Moreno na may 44 percent, Senador Pandilo Lacson na may 43 percent, Marcos na may 42 percent, Senador Juan Miguel Zubir na may 40 percent, dating Senador Jinggoy Estrada na may 37 percent, dating Senador JV Ejercito na may 34 percent at Senador Sherwin Gatchalian na may 33 percent.

***

Samantala, hindi tatakbo sa 2022 presidential elections si Davao City Mayor Sara Duterte.

Pahayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng mga ugong-ugong na tatakbong pangulo ng bansa ang anak niyang si Mayor Sara.

Sa situation briefing sa Tandag, Surigao del Sur, sinabi ng Pangulo na naaawa siya sa kanyang anak lalo na’t iba ang takbo ng pulitika dito sa Pilipinas.

Nangangamba ang pangulo na maaring kababuyan lamang ang danasin ng kanyang anak kung tatakbo sa mas mataas na posisyon.

Partikular na tinutukoy ng pangulo si dating Senador Antonio Trillanes na aniya’y wala sa lugar ang mga pambabatikos.

Inihalimbawa ng nito ang pagdawit ni Trillanes sa kanyang 16 anyos na anak na Veronica na ginawang drug lord.

Babala pa ng pangulo sa publiko, mag- ingat kay Trillanes lalo na sa posibilidad na itoy makaupo sa puwesto.

Ayon sa pangulo, ibebenta ni Trillanes ang publiko sa demonyo kapag nakabalik sa puwesto.

Una rito, nagkalat na rin ang mga tarpaulin na ‘Run, Sara, Run’ sa iba’t-ibang bahagi ng bansa

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Samantala, laging subaybayan ang palatuntunang “walang personalan trabaho lang” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00nn sa RADYO NG MASA entertainment net radio. Tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band at 10:00am-11:00am sa DWXR 101.7FM – Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!

The post Sara Duterte ‘di tatakbo kahit nanguna sa 2022 presidential survey appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sara Duterte ‘di tatakbo kahit nanguna sa 2022 presidential survey Sara Duterte ‘di tatakbo kahit nanguna sa 2022 presidential survey Reviewed by misfitgympal on Marso 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.