Facebook

TITSER KULONG SA ‘ABORTION’

ARESTADO ang isang school teacher matapos sampahan ng kasong abortion ng kanyang mister sa Navotas City.
Ang pagkakaaresto sa school teacher, na pansamantalang itinago ang pagkakilanlan, ay base sa warrant of arrest na inisyu ni Navotas Metropolitan Trial Court (MTC) Judge Frederick G. Separa ng Branch 118 para sa kasong ‘intentional abortion’.
Ayon sa hepe ng Northern Police District (NPD) Special Operation Unit (DSOU), Major Amor Cerillo, maliban sa paglabag sa Article 256, nag-isyu din si Judge Separa ng isa pang warrant of arrest kontra sa school teacher para sa ‘simple disobedience’ na may petsang December 9, 2020.
Inaresto ang guro ng mga tauhan ng DSOU sa pangunguna ni Sgt. Allan Reyes sa ila-lim ng pamumuno ni Maj. Cerillo sa Champaca St., NBBS Proper, Navotas city, 1:40 ng hapon.

The post TITSER KULONG SA ‘ABORTION’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
TITSER KULONG SA ‘ABORTION’ TITSER KULONG SA ‘ABORTION’ Reviewed by misfitgympal on Marso 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.