DUMIRETSO sa Police Community Presinct 7 ng Makati City Police ang isang Grab driver para isuko ang ‘kush’ o mataas na uri ng marijuana na ipina-deliver sa kanya ng isang customer.
Ayon sa driver, na hindi nagpabanggit ng pangalan, may nag-book sa kanya at pinakukuha ang electronic item sa Prince Plaza ll Condotel sa Legazpi Village, Makati City at dadalhin ito sa Sangandaan, Quezon City.
Matapos maibot ang kahon na sinasabing naglalaman ng internet modem, napansin ng driver na magaan ito kumpara sa sina-sabing item.
Bilang parte ng proseso, pina-double check niya sa costumer ang pinadadalang gamit para masiguro na tama o walang sira ito. Pero kaduda-dudang biglang umalis ang costumer na napag-utusan lang ng sender.
Dahil sa kakaiba ang amoy, mismong ang Grab driver na ang nag-check ng item at bumungad ang marijuana.
Isang babaeng vocalist ng banda na sikat umano sa industriya ang sender o nag-utos na dalhin ang package.
Samantala, biglang nagpalit ng pangalan sa Facebook page at personal account ang nasabing vocalist bagay na pinagdudahan din ng pulisya.(Gaynor Bonilla)
The post Grab driver idineliber ang ‘damo’ sa police station appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: