NASAWI ang 4 lalaki na miyembro ng isang kidnapping group nang makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad sa Barangay Old Balara, Quezon City nitong Lunes.
Ayon kay Police Col. Villaflor Bannawagan, hepe ng PNP-AKG Luzon Field Unit, kasama sa mga napatay sa engkuwentro si Wilbert Bonilia, lider ng Bonilia group, at 3 pa na miyembro umano ng kanyang grupo.
Sangkot ang nasabing grupo sa pangingidnap, pagbebenta ng droga at iba pang krimen sa Quezon City.
Nakipag-coordinate ang PNP-AKG sa mga tauhan ng QCPD Station 6 nang makatanggap ng impormasyon na may 2 lalaki na nakidnap sa bahagi ng Capitol Hills drive.
Kwento ng isa sa mga biktima na technician sa isang construction company, galing sila ng Cavite at pabalik na sana sa opisina sa bahagi ng Tandang Sora nang harangin ang kanilang kotse ng van sa may Capitol Hills Drive.
Tinali at piniringan sila ng mga kidnapper at pinagsusuntok.
Ayon kay Police Lt. Col. Romulus Gadaoni, commander ng Batasan Police Station, nabuking ang sasakyan ng mga kidnapper at mga biktima habang padaan sa checkpoint sa Capitol Hills.Imbes na huminto ang mga kidnapper ay tumakas ito at nakipagpalitan ng putok sa mga pulis.
Nasagip ang mga biktima at napatay sa engkwentro ang mga kidnapper. (Boy Celario)
The post 4 kidnapper todas sa barilan sa Quezon City appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: