Facebook

Titser nambatok ng estudyante, sinunog ng buhay

Pinaniniwalang buhay pa nang sunugin ng isang dating estudyante ang kanyang guro nang batukan ito sa barangay San Pascual, Sto. Domingo nitong March 18, 2021.
Kinilala ang biktima na si Rolando dela Cruz, 63-anyos at residente ng barangay San Alejandro, Quezon.
Habang ang salari na sumuko kinilala na si Joebert Gamrot, 20-anyos ng San Pascual, Sto. Domingo.
Sa ulat, nakainom umano ng alak si dela Cruz nang lapitan at batukan nito ng dalawang beses si Gamrot na naglalaro gamit ang cellphone.
Dahil sa galit ni Gamrot, ginantihan nito ang biktima sa pamamagitan ng pagpalo sa ulo nito ng dos por dos na kahoy hanggang sa mawalan ito ng malay.
Para maitago ang bangkay ng guro hinila ni Gamrot sa basurahan sa likod ng eskwelahan at tinabunan ng mga tuyong dahon tsaka sinilaban gamit ang posporo.
Nahaharap sa kasong murder si Gamrot.

The post Titser nambatok ng estudyante, sinunog ng buhay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Titser nambatok ng estudyante, sinunog ng buhay Titser nambatok ng estudyante, sinunog ng buhay Reviewed by misfitgympal on Marso 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.