Facebook

Tourism at food business workers, sunod bakunahan

UMAPELA ang isang advocacy group na kung maaari pagkatapos ng mga frontliners ay sunod bakunahan ang mga manggagawa sa turismo at food business.

Ayon kay Edmund Mayormita, tagapagsalita ng Grupong Turismo, Isulong Mo, “gusto ng pamahalaan na buhayin agad ang ekonomiya, definitely tourism is the fastest way kasi isang taon nakakulong sa bahay ang mga tao and surely they want to go somewhere else”.

“Sigurado maeenganyo ang mga turista lalo na mga local tourist na pumunta sa isang pasyalan kung alam nila na hindi sila mahahawa ng mga workers doon dahil nabakunahan na sila,” sabi pa ni Mayormita.

Aniya, “Siyempre kapag may pasyalan may mga kainan kaya kailangan din mabakunahan yung mga nasa food sector”.

Magpapadala ng liham ang grupong turismo sa Inter-Agency Task Force (IATF) ngayong linggo para iparating ang kanilang kahilingan.

Kapag makita ng mga tao na nabakunahan na ang mga tourist spot workers tiyak dadagsain na naman ng mfa tao ang mga tourist destinations sa bansa lalo’t papalapit na ang summer ayon pa kay Mayormita.

Ang turismo isulong mo ay kinabibilangan ng libo-libong mga manggagawa mula sa tourism industry mula sa tourist guides hanggang sa mga bankero at mga masahista. (Mylene Alfonso)

The post Tourism at food business workers, sunod bakunahan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Tourism at food business workers, sunod bakunahan Tourism at food business workers, sunod bakunahan Reviewed by misfitgympal on Marso 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.