TINIYAK ni Senador Christopher “Bong” Go na palalakasin pa niya ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng bansa kasabay ang paalala sa publiko na ang buwan ng Marso ay “Fire Prevention Month”.
Ayon kay Senador Go, “maging mas maingat po tayo dahil itong buwan na ito ay panahon ng mga sunog at mahihirapan ang ating mga bumbero na maapula ang mga sunog kapag nagsabay-sabay na ito sa isang lugar”.
Dahil dito, sinabi ng senador na naihain na niya ang Senate Bill No. 1832 na papalakasin pa ng BFP sa pamamagitan ng pagbili ng mga makabagong kagamitan, dagdag na tao, at specialized training para sa mga tauhan nito.
“Sisikapin ko kong maipasa ang mga panukalang ito para wala nang buhay ang mawawala dahil sa sunog,” wika pa ni Go.
Kasabay nito, nangako rin ang senador mula sa Davao City na patuloy siyang tutulong sa mga kababayan na biktima ng mga trahedya at krisis tulad ng mga nasunugan saan mang dako sa Pilipinas.
“Wala po tayong iiwan o papabayaan na mga kababayan lalo na ang mga biktima ng trahedya dahil trabaho po namin sa pamahalaan na alalayan kayo hanggang sa muli kayong makabangon sa mga trahedya o kalamidad,” dagdag ni Go. (Mylene Alfonso)
The post Sen. Go, palalakasin pa ang BFP sa bansa appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: