SA oras na mailatag na ang mga inorder na dosis ng bakuna ng pamahalaang lungsod, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na ang mga nagparehistro para sa libreng bakuna ay igu-grupo nang naaayon sa kanilang mga barangay.
Ang mga may comorbidities o hindi kayang pumunta ng vaccination sites ay pupuntahan sa bahay ng mga health personnel ng lungsod at doon babakunahan.
“Basta mag-pabakuna po tayo pag may pagkakataon na… ‘wag ninyong ikibit- balikat because you are exposing yourselves to 100 percent risk of severe infection and even death,” ito ang pahayag ni Moreno na muling iginiit na hindi man tuluyang magbibigay ng immunity ang bakuna ay makapagbibigay naman ito ng proteksyon laban sa mas matinding epekto ng coronavirus.
Tiniyak din ni Moreno na alam ng Manila Health Department (MHD) ang uri ng bakuna na compatible sa ilang nilalang na may issue sa kalusugan.
“Alam ng MHD kung ano bagay na bakuna sa kanila at ito ay dadalin nila sa comfort of their homes,” dagdag pa ng alkalde.
Ang mga indibidwal na nagparehistro sa libreng bakuna ay iimpormahan sa pamamagitan ng automatic generated system kung anong araw, oras at lugar siya babakunahan, kabilang din sa ipagbibigay alam sa kanya ang brand ng bakuna na ituturok sa kanya.
Ayon pa kay Moreno, ang mga nakapagparehistro na ay igugrupo ng naaayon sa kanilang barangay at papupuntahin sa vaccination site na malapit sa kanila upang maging kombinyente para sa kanila kung saan ay maaari na nila itong lakarin mula sa kanilang bahay.
Ang pamahalaang lungsod ay nagtakda ng 18 vaccination sites upang mabilis na mailatag ang pagbabakuna sa mas maraming tao hanggat maari
Pinayuhan din ng alkalde ang mga taga-Maynila na magrehistro sa manilacovid19vaccine.com. Mahigpit din ang bilin ni Moreno sa mga nagparehistro na huwag magpalit ng cellphone numbers.
Ayon pa kayvMoreno, ang mga nagparehistro ay iimpormahan ng mga detalye ng kanilang nakatakdang bakuna sa pamamagitan ng telephone numbers na kanilang ginamit noong sila ay nagparehistro. (ANDI GARCIA)
The post ‘Mga may comorbidities sa bahay babakunahan’ — Isko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: