Facebook

Mga mambubutas!

DAPAT na humarap muna sa salamin at pagmasdan ang kanilang mga sarili ang mga mambabatas na bumabatiko kay House Speaker Lord Allan Velasco. Tiyak na sa mga mambubutas este mambabatas na bumabanat kay Velasco tatalbog ang mga upasalang ibinabato ng mga ito sa kanilang liderato.

Ayon sa mga kritiko ni Velasco, ito raw ang dahilan kung bakit mababawasan ang budget para sa pension at gratuity fund (PGF) ng mga pulis, sundalo ng coastguard, bumbero at jailguard ng may Php 20 bilyon. Bahagi ang naturang pondo ng 2021 Php 4.5 trillion national budget.

Hangad ng mga kritiko ni Velasco na kay Velasco ibunton ang sisi kung bakit ang isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) na PGF ay nabawasan nga ng Php 20 bilyon at na-realigned sa pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ngunit lumilitaw na wala palang kinalaman ang abogadong House Speaker sa pagbabawas ng nasabing budget. Ang buong katotohanan pala ay inalaan naman para sa mahigpit na pangangailangan ng bansa para labanan ang mapaminsalang COVID 19 pandemic.

Sa puntong ito ay kailangang ipakita na ni Velasco na may pangil ito sa kongreso at kalaban nito ang anumang katiwalian lalo na kung nasasangkot ang sino man sa miyembro ng Mababang Kapulungan.

Dapat na hagupitin na ni Velasco ang kanyang kritiko sa kamara na hayag namang isa sa korap sa pinaka-korap sa kanilang hanay.

Hinahanapan ng mga ito si Velasco ng butas na mapasama ang imahe sa sangbayanan, samantalang kilala ang kanyang kritiko bilang protektor ng kapatid nitong nagpapatakbo ng iligal na pasugal sa mga lalawigan ng Cavite, Rizal, Pangasinan, Cagayan, Laguna at MIMAROPA lalong-lalo na sa probinsya ng Mindoro.

Gamit na front sa pagpapatakbo ng jueteng ng kapatid ng nabanggit na mambubutas este mambabatas ang operasyon ng Perya ng Bayan (PnB) na pinatatakbo ng Global Tech sa mga naturang lalawigan.

Pinalilitaw ng isang alias Chito na may iniisyung franchise sa Global Tech para makapagsagawa ng PnB Lottery sa mga nasabing probinsya.

Ang nananalong kumbinasyon sa Phillipine Charity Sweepstakes (PCSO) sponsored kuno na PnB ang kinakapital naman ng mga jueteng lord sa mga nabanggit na mga probinsya para malayang makapangolekta ng taya sa jueteng na tatlong beses na binobola sa mga nasabing lalawigan.

Ngunit itinuturo naman ng mg lokal na jueteng operator si alias Chito na nagpapakilalang kapatid ng mabusisi at maligalig na kongresista na siyang pangkalahating operator at financier ng PnB cum jueteng sa mga nabanggit na probinsya.

Pagkat kapatid nga naman si alias Chito ng mambubutas este mambabatas ay di makapalag dito sina Cavite Governor Junvic Remulla sa pag-operate ng jueteng con PnB sa may 17 bayan at anim na siyudad sa Cavite.

Tagamahala ni alias Chito sa pagpaparebisa ng jueteng ang mga kilalang sakla operators sa Cavite na sina alias Zalding Kombat, alias Kaloy Kolnding at Alwin sa kanilang mga safehouses sa Cavite City, General Trias City, Tagaytay City, Bacoor City, siyudad ng Imus, at Trece Martires City.

Bukod sa tila bahag ang buntot ni Gov. Remulla kay alias Chito ay binigyan pa ng bendisyon ni alias Menong na nagpapakilala namang “bagman” ng tanggapan ni Remulla para magsagawa ng full-blast jueteng operation sina alias Chito, Zalding Kombat, Kaloy Kolanding at Alwin sa buong Probinsya ng Cavite.

Dati-rati sina alias John Yap at alias Jun Moriones ang bangkero ng jueteng cum PnB sa Cavite, ngunit tinakbuhan ng mga ito at di nagbayad sa mga mananaya nang tamaan ang pa-jueteng ng mga ito ng milyones na halaga.

Tumakbo sa lalawigan ng Rizal sina alias John Yap at Jun Moriones at kasalukuyang doon nagpapa-jueteng at nagtutulak din ng shabu sa bendisyon din ni alias Chito.

Bagamat buko ng mga taga-Rizal ang kalibre nina John Yap at Jun Moriones ay ginarantiyahan din kuno ang mga ito ng isang retiradong pulis na si alias Abion para pahintulutan doon na mag-operate ng jueteng sa Antipolo City at sa 13 mga bayan ng nabanggit din lalalawigan sa ilalim din ng “umbrella” ng Global Tech.

Pinanindigan naman ni PCSO Gen. Manager Royina Garma sa isinasagawang imbestigasyon ng House Committees on Games and Amusement and on Good Government and Public Accountability kamakailan na wala itong binigyan ng franchise o permit para mag-operate ng loterya saan mang sulok ng bansa.

Tiniyak din ni Garma na hindi franchise ang ipinagkaloob nito sa mga nagpapatakbo ng lokal na loterya kundi permiso lamang bilang Authorized Agent Corporation (ACC) pagkat alam nitong hindi sila awtorisadong mag-isyu ng prangkisa.

Kaya hindi na dapat ipagyabang pa ng mga operator ng PnB cum jueteng sa Cavite, Rizal, Pangasinan, Cagayan, Mindoro at iba pang panig ng rehiyon ng MIMAROPA , Laguna at iba pang mga lalawigan sa bansa na kunyari ay may hawak silang franchise na iniisyu kuno ng PCSO.

Batay pa sa House Committees on Games and Amusement and on Good Government and Public Accountability, hindi saklaw ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng PCSO na magbigay ng prangkisa at magpahintulot ng pagsasagawa ng localized lottery pagkat national in scope ang mandato nito.

Kaya hindi na pwedeng maging alibi nina PNP Region 4-A Regional director PBG Felipe Natividad, Cavite PNP Provincial director P/Col. Marlon Santos, Rizal Provincial director P/Col. Joseph Arguelles, MIMAROPA PNP Regional director PBG Pacual G. Muñoz Jr, at Oriental Mindoro PNP Provincial director P/Col. Mardito G. Anguluan, na may hawak na prangkisa ang Global Tech kaya di ng mga ito maaresto ang mga kubrador ni alias Chito at masugpo ang operasyon ng PnB cum jueteng sa kani-kanilang hurisdiksyon.

Hindi na dapat palusutin ang mga ito ni PNP Debold Sinas, tulad ng paglusot ng iligal na operasyon ng isang alias Tepang, ang untouchble na jueteng at drug lord na nag-ooperate naman sa Metro-Manila.

***
Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com

The post Mga mambubutas! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga mambubutas! Mga mambubutas! Reviewed by misfitgympal on Marso 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.