Facebook

Natapyas na 2018 Pension Increase Differential sa Kongreso

MATINDI pasabog ang isiniwalat ni Cong. Mike Defensor sa Kongreso ang 20 Billion pesos budget para sa 2018 Pension Increase Differential na tinapyas ni ACT CIS Partylist Cong. Eric Yap na chairman ng Committee on Appropriation. Nagulantang tayo mga Retirado, malaking tanong, BAKIT?

Sa ating napanuod sa palitan ng paliwanagan sa floor ng Kongreso ay napunta daw sa program ng Covid 19 virus ayon kay Cong. Eric Yap , sumagot naman ni Cong. Defensor na may Bayanihan Act na naglaan ng pondo para nga sa Pandemya. Nagturo pa si Cong. Eric Yap na may 70 Billion pesos pa na naunang natapyas bago siya naging Committee Chairman ng Appropriation, lalong gumulo, sacrificial lamb ba ang mga Retirado lagi?

Nasundan pa sa pahayag ni DND Secretary Lorenzana na magtiis muna at maghintay ang MUP Retirees Pensioners dahil sa Pandemya. Sir, MATAGAL na kami naghihintay at ang iba ay namatay na sa kahihintay. Yung iba nasa banig pa ng malubhang sakit na umaasa na malaking tulong ang 2018 Pension Increase Differential sa hospital bill at gamot sa kanilang mga sakit. Mga nag dialysis at chemo therapy na MUP Retirees, aba maawa naman kayo, baon sa gastos at utang na.

Dapat maimbestigahan ito ng Kongreso, ayon kay Cong. Defensor wala silang approval ng pag tapyas ng pondo sa 2018 Pension Increase Differential. Dapat din ay bilisan ang Supplemental budget upang matamo na ng MUP Retirees Pensioners ang kabuuan ng 2018 Pension Increase Differential at huwag gawin hulugan sa aming mga Retirado. Matagal na namin inilaban ito sa DBM kaya nga nakarating pa ito issue sa Department of Justice bilang third party at magbigay ng Legal Opinion na pumabor naman sa MUP Retirees Pensioners, salamat po DOJ Sec. Menardo Guevarra sa iyong parehas na legal opinion. Mahabang lakbayin ang aming tinahak, sanib puwersa ang PNP Retirees at Military Retirees sa pakikibaka sa matagal na di pag release ng pondo, talagang pahirapan ang kaliwanagan nito, mabuti na lamang, may isang Cong. Mike Defensor na buong tapang na isiwalat ni Cong. Mike Defensor, a million salute to you sir Cong Mike Defensor, patnubayan ka nawa ng Panginoon.

PSALM 10: 2

The wicked are proud and persecute the poor, catch them in the traps they have made.

The post Natapyas na 2018 Pension Increase Differential sa Kongreso appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Natapyas na 2018 Pension Increase Differential sa Kongreso Natapyas na 2018 Pension Increase Differential sa Kongreso Reviewed by misfitgympal on Marso 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.