Facebook

DAO ng DTI para sa yero huwag muna ipatupad

MAYROONG DEPARTMENT ADMINISTRATIVE ORDER (DAO) ang BUREAU OF PHILIPPINE STANDARDS at DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY (BPS/DTI) na magsusulong para imandato ang lahat ng nag-aangkat at gumagamit ng mga yerong pambubong na magsumite ng sertipikasyon na ang kalidad ng kanilang produkto ay ayon sa teknikal na grado na isinasaad sa DAO ng DTI…, bagay na kinukuwestiyon ng isang batikang abogada kasunod ang mungkahing huwag munang ipatupad ang nasabing patakaran.

“Bakit kailangang madaliin ng BPS/DTI ang pagpapatupad ng DAO. May pinapaboran ba silang malaking kumpanya na magbebenipisyo sa pagpapatupad ng DAO?” pagkukuwestiyon ng naiinis na si ATTY. TRIXIE CRUZ-ANGELES.

Ipinunto ng naturang abogada na balakid umano sa pag-unlad at anti-poor ang DAO ng DTI, na posibleng humantong umano ito sa malaking epekto sa maliliit na negosyante na nangangailangan ng mga gamit pambubong para magawa at matapos ang kanilang mga produkto o proyekto. Siyempre pa, maaapektuhan din dito ang mga pamilya na nagnanais makapagpatayo ng kanilang dream house at lalaki lalo ang pondong kailangan nila dahil sa magmamahal ang mga yero.

Ang DAO 10-20 ay isang regulasyonng teknikal na imamandato ang lahat ng materyales na pambubong kagaya ng hot-dipped metallic-coated at pre-painted galvanized steel coils, pati na mga sheets na pambubong at gamit pangkahalatan, na kumuha muna ng sertipikasyon sa BPS/DTI.

Ang malaking tanong, bakit pati ang mga negosyong di naman kailangang sumunod sa nasabing sertipikasyon na dapat may tamang kapal ang mga steel coil materials sa kanilang gamit na pambubong ay isinama ng DTI sa DAO?

Mungkahi ni ATYY. ANGELES ay kailangan umanong muling masusing pag-aralan ng DTI/BPS ang kanilang polisiya at huwag munang ipatupad ang nasabing DAO para na rin sa kapakanan ng mga nakararami at maliliit na negosyante!

MANDALUYONG MAYOR DISMAYADO
SA COVID SITUATION!

Dismayado at posibleng magpairal ng lockdown si MANDALUYONG CITY MAYOR CARMELITA “MENCHIE” ABALOS dahil sa loob ng 2-araw ay biglang lomobo ang bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 ang naging mensahe nito sa naging pagpapasimula ng SINOVAC VACCINATION sa mga HEALTH WORKER ng kanilang lungsod nitong umaga ng Sabado (March 5).

“Ako medyo nadidismaya. Tumataas for I think last 2 days.., from 160 ngayon naging 242. Dalawang araw na medyo pataas talaga that’s why medyo siguro kinakailangan, maglolockdown kami ng ibang mga condos and mga streets,” pahayag ni MAYORA ABALOS na aniya ay HINDE naman ipaiiral ang CITYWIDE LOCKDOWN kundi mga kalye lamang at kung sa mga condominium ay mga palapag lamang ang magiging lockdown.

Sa nasabing ceremonial vaccination ay unang nagpaturok sina MANDALUYONG CITY ADMINISTRATIVE OFFICER DR. CESAR TUTAAN, MCMC NURSE ARNOLD BONDOC at DR. CATHERINE QUIROZ.., na ito ay sinaksihan nina METRO MANILA DEVELOPMENT AITHORITY (MMDA) CHAIRMAN BENHUR ABALOS, DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) ASSISTANT REGIONAL DIRECTOR DR. MARIA PAZ CORRALES, VICE MAYOR ANTHONY SUVA, COUNCILOR BENJIE ABALOS, MCMC DIRECTOR DR. ZALDY ZARPESO at CITY HEALTH OFFICER DR. ALEX STA. MARIA.

“Kami ay tuwang tuwa at kami ay nabakunahan na. Sana ho sa pagbabakuna namin mahikayat namin hindi lamang yung kapwa kawani namin kundi ang buong Mandaleño dahil yan naman po ang adhikain ng aming lokal na pamahalaan.., kaya sa mga kapwa ko Mandaleño magparehistro na po at magbakuna. Ito ay safe at epektibo” pahayag ni DR. TUTAAN nang kapayanamin ng mga mamamahayag matapos ang halos kalahating oras na pahinga nang ito ay maturukan ng SINOVAC.

Ipinunto naman ni MMDA CHAIRMAN ABALOS na SAFE ang SINOVAC at wala umanong dapat ipag-alala ang mamamayan dahil mula umano nang mabakunahan ito kasama sina SECRETARY CHARLIE GALVEZ at SECRETARY VINCE DIZON ay wala umanong naging masamang epekto. Nagagawa pa umano ni CHAIRMAN ABALOS ang magjogging at magtungo sa gym bago ito tumungo sa kaniyang trabaho.

“Let us not be brand conscious,” paggigiit ni CHAIRMAN ABALOS kasunod ang pagpapaalala na pamalagiin ang paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng facemask.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post DAO ng DTI para sa yero huwag muna ipatupad appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DAO ng DTI para sa yero huwag muna ipatupad DAO ng DTI para sa yero huwag muna ipatupad Reviewed by misfitgympal on Marso 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.