Facebook

Winner si Vico

BIRO o totoo man ang napabalitang ipinagbawal noon ang pagtitinda ng kakaning ‘biko’ sa Pasig City habang papalapit nang papalapit ang nakaraang halalan ng 2019, dahil iniiwasan ng pamilyang 27 taon nang naninilbihan bilang lokal na opisyal sa lungsod, na maalala ng mga botante ang pangalan ng kanilang katunggali – ang batang-batang konsehal na anak ni Connie Angeles at Vic Sotto.

Yun nga ang nangyari at ang resulta ng halalan sa Pasig ay winner si Vico Sotto ng partidong Aksiyon Demokratiko bilang alakalde ng lungsod na tumalo kay incumbent city mayor noon na si Robert Eusebio ng Nacionalista Party naman.

Bukod sa nanumbalik ang pagtitinda ng kakaning biko sa lungsod, pumaimbabaw naman ang pangalang Mayor Vico Sotto sa kamaynilaan at maging sa buong bansa dahil sa angkin nitong kagalingan at kakayahan na maging punong lungsod ng Pasig.

Maging ang Pasig City ay sumikat mula ng pamunuan ni Mayor Vico, lalo na nang mag-pandemiya ng dahil sa COVID-19. Pinamahalaan nitong mabuti ang kanyang nasasakupan upang di mapinsala ng virus na nakamamatay.

Bago pa riyan, sa kanyang pagkakaupo pa lamang ay inatasan nito ang konseho na bumalangkas ng mga paraan upang labanan ang korupsiyon at matigil ang panghihingi ng “kickbacks” sa pagbibigay ng siyudad ng malalaking projects sa mga kontratista.

Sinigurado rin ng alkalde na maging madali para sa publiko at ng mga residente ng Pasig ang pagkuha ng anumang mga dokumento nilang kakailanganin. Kasabay nito ang pagtatatag ng 24 oras na public information at complaint hotline upang maiparating ng kanyang mga nasasakupan ang kanilang mga hinaing at sumbong, gayon din ang mga impormasyon na kanilang dapat agad na malaman.

Ang budget ng lungsod at mga polisiya ay dumeretso sa pangangalaga ng tao at mga programang nakatuon sa lahat ng ikabubuti ng mga taga-Pasig.

Dahil diyan ay napabilang si Mayor Vico sa labing-dalawang indibidwal na pinili ng United States (US) State Department bilang “anti-corruption champion” at tinawag itong “standard bearer for a new generation of Philippine politicians”.

Ito nga ay dahil sa mga paraan na ipinatupad ni Mayor Vico upang labanan ang kurapsiyonna sa kanyang nasasakupan at bukas ang lahat ng transaksiyon ng kanyang cityhall sa lahat ng gustong maka-alam at pumuna.

Ito rin ang minsang tampulan ng kantiyaw ng mga tinatawag na netizen sa social mediaat na kung masusunod lamang ay lilipat na sila sa Pasig upang doon na manirahan dahil nga sa magandang pamamalakad ng punng lungsod nito – ang maganda ring lalaki na si Vico Sotto.

Tinumbasan naman ng Senado ang pagkilala kay Mayor Vico ng kahalintulad na gawad parangal na minungkahi mismo ng tiyuhin ni Mayor na si Senate President Tito Sotto kasama ang beteranong mambabatas na si Senator Ping Lacson.

Pinapurihan ng dalawang senador ang kakaibang pamamalakad ni Mayor Vico na linisin ang kanyang bakuran ng mga tiwaling kawani at ang magusay nitong pamamalakad sa pakikipaglaban sa COVID-19.

Sinabi pa ng mga senador na ang Pasig City na ngayon ang modelo ng iba pang siyudad sa bansa kung larangan lang na pamumuno ang pagbabasehqn.

Malayo ang mararating nitong ating winner na Mayor ng Pasig. Keep up the good work Mayor Vico! Pamaraisan ka sana ng iba pang alkalde ng bayan.

The post Winner si Vico appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Winner si Vico Winner si Vico Reviewed by misfitgympal on Marso 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.