“UNITED colors of Benetton sa Maynila.”
Ganito inilarawan ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagraan ng pagtutulungan at suporta sa kabisera ng bansa na hindi kumikilala ng kulay ng pulitika basta’t ang makikinabang lamang ay ang mamamayan ng lungsod.
Sa pinakahuling live broadcast ni Moreno ay sinabi niya na nakahanda siyang makipagusap at makipagtrabaho sa sinuman na lalapit sa kanya na mag-aalok ng tulong dahil kailangan ng lungsod ang lahat ng tulong sa panahon ng pandemya.
Ginawa ng alkalde ang ganitong pahayag matapos na pasalamatan si Sen. Risa Hontiveros na ayon sa kanya ay nagpaabot ng tulong pinansyal sa city-run Sta. Ana Hospital na malugod nilang tinanggap kasama sina Vice Mayor Honey Lacuna at hospital director Dr. Grace Padilla.
“Sa Maynila, welcome kayong lahat— pula, dilaw at kung anong kulay ang gusto n’yo sa pulitika. Sa Maynila, rainbow…United Colors of Benetton. Welcome kayo kung kayo ay tutulong sa amin ay nako, por Diyos por santo, kayo po ay welcome na welcome,” sabi ng Moreno.
Sinabi rin ng alkalde na pagdating sa donasyon sa Maynila ay pinagbilinan niya ang kanyang mga opisyal at mga kawani na kalimutan na muna ang pulitika at unahin ang kapakanan ng mamamayan.
“Ang bilin ko sa mga tao namin, ‘wag nyo titignan ang kulay ng pulitika… ‘wag tayo makikisali sa political differences. What maters most is that the general populace of Manila ay nangangailan ng tulong, kaya kahit sinong gustong tumulong, welcome kayo sa Maynila. Mabasa sana kayo ng ulan at sana ay dumami pa kayo,” dagdag pa ni Moreno.
Ayon kay Moreno, ang importante sa kanya sa ngayon ay kung paano mapagaan ang buhay at paghihirap ng mga taga-Maynila kung saan marami ang nawalan ng trabaho sa halos isang buong taon.
Sinabi pa niya na kahit na anong tulong ang ibibigay ng sinuman sa Maynila ay labis niyang ipagpapasalamat, kahit na ito pa ay isang piggy banks mula sa mga batang paslit, ilang pirasong dolyar mula sa mga overseas Filipino worker o Filipino immigrant abroad.
“Pulahan, dilawan, asulan, kahil (orange), puti, lahat ay welcome tumulong. Wag kayo mag-alala. Eto ang garantiya ko sa inyo… I can work with anybody,” giit ni Moreno na idinagdag din na wala siyang nakikita sa lahat ng mga tinatanggap na tulong ng lungsod kundi ang mga…”Filipinos helping fellow Filipinos— nothing more, nothing less.” (ANDI GARCIA)
The post ‘UNITED COLORS OF BENETTON SA MAYNILA’ – ISKO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: