Facebook

GO MAY GO FOR IT SA 2022?

“I am very grateful for the trust given to me by the President. Salamat po sa tiwala pero alam naman po ng Pangulo na hindi talaga ako interesado. Biro lang ng Pangulo iyon.

Ang focus ko, mula noon hanggang ngayon, ay ang magserbisyo sa kapwa kong Pilipino. Please count me out sa usaping pulitika sa 2022.

Ang importante ngayon ay patuloy tayo na nagtutulungan para sa ikabubuti ng mga kababayan nating naghihirap dulot ng pandemya. Dahil kung hindi natin malampasan ang krisis na ito, baka wala na tayong pulitika pang pag-uusapan pa.

Ako naman po, hanggang 2025 pa ang aking termino bilang Senador. Bawat araw po na binigay niyo sa akin na pagkakataon na magserbisyo sa inyo ay hindi ko sasayangin. Ibabalik ko po sa tao ang serbisyong para po sa inyo.

Magbabago lang siguro ang isip ko kung tatakbong Vice President si Pangulong Duterte.”

Ito ang mga eksaktong pahayag ni Senator Bong Go nang pabirong sabihin ng Pangulong Rodrigo Duterte na ang masipag na senador ang kanyang ‘manok’ sa May 2022 presidential derby.

Hindi naman po imposible ang tambalang Go-Duterte sa 2022 dahil lahat naman po ng senaryong puwedeng maganap sa darating na mga araw ay di natin alam!

Everything is “fluid” ika nga!

Kapag nagkataon, pagpapatuloy ng isang “reformatory regime” ang ating mararanasan tungo sa dako pa roon kung saan, kailangan ng bawat Pilipino ang isang liderato na galit at suklam sa iligal na droga at korapsiyon sa hanay ng mga taong- gobyerno.

Ang hamon ni Go na tatakbo lamang siyang president sa 2022 elections kung tatakbo si PRRD na vice president ay puwedeng tanggapin ni Tatay Digong dahil wala namang batas na nagbabawal sa isang outgoing president na mag-slide down at tumakbong pangalawang pangulo ng bansa in the next forthcoming elections.

In this equation, parang nakuha na rin ni Pangulong Duterte ang additional 6th year term dahil tiyak na si Duterte rin ang titimon ng bansa with Bong Go serving as elected president.

That will happen if both Go and Duterte win in case tumakbo nga ang dalawa as president and vice president respectively.

Sa punto de vista ng inyong abang lingkod,walang masama dito. Malaking pabor pa nga ito sa pagsusumikap ng pamahalaan na maka-recover mula sa matinding epekto ng Covid-19 pandemic na lumumpo sa ekonomiya ng bansa dahil magkakaroon ng ‘continuity’ ang mga programa at hakbangin ng isang estabilisadong gobyerno.

Still yet, it is us… masang Pilipino to decide on it!

Tayo ang boboto sa magiging Pangulo at Pangalawang Pangulo ng ating republika and no one else!

Kung si Go nga at Duterte ang magtatambal sa darating na pang-panguluhang halalan sa 2022, mas maraming kabutihan at positibong bagay ang idudulot nito sa bansang Pilipinas.

Kilala naman nating lahat at may pruweba pa ang kalidad at klase na paglilingkuran ng dalawang tinukoy nating lider ng bansa.

Ika nga, subok na matibay at subok na matatag ang tandem na ito through the years.

Tanging ang tututol lamang dito ay ang oposisyon at siyempre pa, ang Liberal Party (LP) na nilampaso ng nagdaang halalan ng partido ni Pangulong Duterte.

Remember the infamous ‘Otso Derecho sa Inidoro’ ng grupo nina Cel Diokno and the rest of the LP stawarts?

Sigurado naman tayo na ang kandidato ng oposisyon at ng Liberal Party sa 2022 ay si VP Leni Robredo.

To back up this team ay ofcourse ang bansang America na ngayon pa lamang ay pugad na at pinamamahayan ng mga insurektos na naninira hindi lamang sa gobyerno kundi sa kanilang mga kapwa Pilipino na nagsusumikap na ibangon ang ating bansa sa pagkalugmok!

Kung hindi titigil at magpapaawat ang US sa pakikialam sa panloob na usapin at gawain ng Pilipinas at ng iba pang bansa, malamang sa hindi…ito ang magiging mitsa sa pagsiklab ng World War III.

Ilang bansa na ba sa buong mundo ang ginulo, sinakop at inagaw ng America mula sa mga lehitimong pamahalaan nito?

Ang kasakimang ito para sa ibayo pang kapangyarihan ay tila ayaw ihinto ng Estados Unidos.

Kung ito ay magpapatuloy, posibleng ito na ang tuluyang magwakas at gumunaw ng sangkalibutan!

Mariing sinasabi ng oposisyon na sinasakop umano ng bansang Tsina ang ating mga teritoryo…!

Bakit, may agresyon na bang nangyayari to prove this allegations?

Sino ba ang may history na pag-envade sa maliliit na bansa.

Ang Tsina ba o ang America?

Mahal kong mga kababayan, kayo na po ang magsabi at magpatotoo!

Sino nga ba ang tunay na kaibigan at kaaway ng bansang Pilipinas?

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post GO MAY GO FOR IT SA 2022? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
GO MAY GO FOR IT SA 2022? GO MAY GO FOR IT SA 2022? Reviewed by misfitgympal on Marso 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.