Facebook

Unyon para saan?

DI ko maiisip ang talagang pakay ng isang grupo ng mga mamahayag na nagpapakilalalng unyon o “union” ng mga jouno, ganung di naman nila mawari ang mga talagang kaganapan at katayuan ng mga mamamahayag na dumadanas ng karahasan dito sa ating bansa.

Hindi ba nila alam o talagang sila ay nagbubulag-bulagan lamang na mayroon ng 67 mga suspek na nahatulan sa limampung kasong naisampa natin sa mga korte. O hindi nila talaga ginagawa ang dapat na ginagawa ng media? – Ang magsaliksik sa ikalulutas ng bawat kaso ng pagpaslang sa mga taga-media sa bansa?

Ang kanilang mga inilalabas na lathala o ulat ay puno ng mga kamalian at kadalasan ay nakaliligaw lamang sa mga makakabasa o makaka-alam. Hindi ba kailangan nilang tiyakin o mag-fact-check muna para sa talagang interes ng nakakarami at sa paglabas ng katotohanan?

Totoo ba talaga ang kanilang intensiyon sa karapatan, kaligtasan at kalagayan ng bawat manggagawa ng propesiyon ng pamamahayag?

Bilang namumuno sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) isisiwalat ko ang mga kamaliang pinagbabanggit ng unyon na ito sa mga susunod kong pitak, upang hindi lang sila ang maliwanagan kundi ang buong bayan sa sitwasyon ng media sa bansa at maging ang mapagkunwaring mga kaalyado ng media sa Pilipinas.

Bago ito, hayaan niyo munang ibalita ko sa inyo ang bagong kaganapan sa kaso ng pamamaslang sa kabaro nating mamamahayag na si Dennis Denora ng Davao Del Norte noong June 7, 2018.

Isa sa mga salarin ay nahuli na at naaresto ng Davao Del Norte Police Provincial Office at kinilala itong si Richard Posas Bolastig na isa sa dalawang gunman na umambush kay Denora.

Ang pagkakaaresto ay bunga ng pagsasampa ng kasong murder laban kay Bolastig at isa pang di kilalang suspek sa pakikipagtulungan ng PTFoMS sa kapulisan at nagresulta sa paglabas ng arrest warrant na inisyu ni Regional Trial Court Branch 4 Judge Carmel Gil Grado ng Panabo City.

Patunay lamang ito na ang ating pamahalaang pinamumunuan ng Administrayong Duterte ay seryoso sa pagbibigay ng suporta at pangangalaga sa kapakanan ng mga media sa bansa. At tinutupad lamang ang pangako ni Pangulong Duterte na wawakasan ang lahat ng uri ng paghahari-harian ng iilan.

Nag-iisa sa buong mundo at natatangi ang pagkakabuo ng PTFoMS sa pamamagitan ng kauna-unahang kautusan ni Pangulong Duterte upang pangalagaan ang kalagayan ng media sa bansa.

Kaya naman ang inyong PTFoMS ay inyong maasahan na patuloy na maglilingkod para sa kapakanan ng bawat media, lalo na ang mga nakararanas ng karahasan. Sa loob ng apat na taon natin sa panunungkulan, nais ko rin iulat sa inyo na ang PTFoMS ay nakapag-resolba na ng limangpung (50) kaso ng pamamaslang sa mga mamamahayag ng bansa.

Hindi ito gaya ng mga nag-uunyon-unyunan lamang na walang ginawa kundi manghingi lamang ng donasyon upang pagyamanin ang kanilang mga sarili at organisasyon, habang nililinlang ang bayan sa pagkukunwaring kakampi ng media.

The post Unyon para saan? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Unyon para saan? Unyon para saan? Reviewed by misfitgympal on Marso 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.