SUPORTADO ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando ang kampanya ng DOH laban sa nakakamatay na Measles at Polio.
Nanawagan ang gobernador sa mga magulang ng mga bata sa buong lalawigan ng Bulacan na makiisa ang mga ito sa “Measles-Rubia Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity na magtatapos na sa Pebrero 28, 20121, na sinimulan noon pang Pebrero 1.
Ayon kay Fernando na target ng Pamahalaang Panlalawigan na mabakunahan ang nasa 279,896 na mga bata laban sa”measles-rubia” at 327,626 naman para sa “oral polio vaccine” kung saan maaring mabakunahan ang mga bata na edad na siyam na buwan hanggang 58 months.
Dagdag pa ni Fernando, ang buong mundo ngayon ay dumanas ng pandaigdigang pandemya kung saan nakatuon ang kanyang pansin para mabigyan ng proteksyon ang mga bata mula sa ibat-ibang sakit.
***
MGA NASUNOGAN, INAYUDAHAN NI GOV. FERNANDO
Samantala pinangunahan ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando ang pamamahagi ng mga kagamitan at tulong pinansyal para sa mga mamamayan ng Bulacan na nangangailangan ng atensyong medikal kabilang na rin ang mga nasunugan.
Katuwang ng Gobernador sa pamamahagi ay ang kinatawan ni Presidential Spokesperson Harry Roque na si Director Ruel Garcia, Bokal Alex Castro ng 4th distrit at Provincial Social Welfare and Development Officer Rowena Tiongson.
Nabigyan din ng burial assistance ang halos nasa 149 Bulakenyong nawalan ng buhay, 50 medical/assistive devices, at 32 housing materials para sa mga nasunogan.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Samantala, laging subaybayan ang palatuntunang “walang personalan trabaho lang” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00nn sa RADYO NG MASA entertainment net radio. Tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band at 10:00am-11:00am sa DWXR 101.7FM – Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!
The post Gov. Fernando nakiusap sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak sa polio appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: