Facebook

15,310 naitalang bagong kaso ng Covid-19

RECORD breaking na naman ang naitalang bilang ng Department of Health (DOH), makaraang makapagtala ng 15,310 na karagdagang kaso ng COVID-19, Biyernes, April 2.

Samantala ay mayroon namang naitalang 434 na gumaling at 17 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 19.9% (153,809) ang aktibong kaso, 78.3% (604,368) na ang gumaling, at 1.73% (13,320) ang namatay.

Nabatid na noong March 31 2021 ay 6,128 new cases lang ang inulat ng DOH dahil sa system issue. Matapos ang system checks, validation at deduplication ay nabatid na mayroon pang dagdag na 3,709 na kaso ang nakumpirma na siyang idinagdag sa bilang ng kaso ngayong Biyernes, April 2 kaya umabot sa 15,310. (ANDI GARCIA)

The post 15,310 naitalang bagong kaso ng Covid-19 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
15,310 naitalang bagong kaso ng Covid-19 15,310 naitalang bagong kaso ng Covid-19 Reviewed by misfitgympal on Abril 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.