Facebook

9 huli sa P30m pekeng Covid-19 test kits

ARESTADO ang siyam katao ng mga tauhan ng Philippine National Police- Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) dahil sa pagbebenta ng pekeng Covid-19 test kits na umabot sa P30 milyon ang halaga sa Quezon City.
Kinilala ang mga inaresto na sina Marize Santiago, 28 anyos; Joshua Raphael Ramirez, 21; Zeus Jimena, 27; John Vincent Sumalabe, 23; Rio Joyce Perando, 20; Hermogenes Villordon, 28; Jomari Estrada, 21; John Marthy Parentela, 22; at John Paolo San Pedro, 28.
Sa report, dinakip ang mga suspsek sa entrapment operation sa 22 Scout Bayoran, Barangay South Triangle, Quezon City, ng mga operatiba ng CIDG-Quezon City District Field Unit (QCDFU) kasama ang representative ng Food and Drug Administration (FDA).
Ayon sa ulat, nag-ugat ang operasyon sa mga report na hindi otorisadong pagbebenta ng mga medical device tulad ng Joinstar, clungene rapid test kit, innovita anti body test, sanli disposable virus specimen at wondfo rapid test kit na pawang nasa online at pinangangasiwaan ng hindi otorisadong online seller ng COVID 19 Rapid test kit.
Nabatid ng CIDG na konektado si Santiago sa Chinese online selling group na nagbebenta ng mga hindi otorisadong rapid test kits para sa Covid-19.
Nakapiit ang mga suspek sa CIDG-QCDFU. (Boy Celario/Mark Obleada)

The post 9 huli sa P30m pekeng Covid-19 test kits appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
9 huli sa P30m pekeng Covid-19 test kits 9 huli sa P30m pekeng Covid-19 test kits Reviewed by misfitgympal on Abril 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.