Facebook

L300 van vs oil tanker truck:1 patay, 3 sugatan

PATAY ang driver ng isang L300 van at tatlo ang sugatan nang magkasalpukan ang isang L300 van at oil tanker truck sa national highway ng Capalonga, Camarines Norte.
Nangyari ang salpukan 8:00 ng umaga nitong Martes.
Ayon sa report ng Capalonga Municipal Police Station, galing sa bayan ng Capalonga at patungo sa bayan ng Labo ang L300 van nang makasalpukan nito ang oil tanker truck sa pababang bahagi ng highway.
Nahulog sa bangin ang dalawang sasakyan kasunod ng salpukan.
Naging pahirapan ang rescue operation dahil may kalaliman at matarik ang daanan ng bangin.
Nagtulong-tulong ang mga rescuer ng mga bayan ng Capalonga, Jose Panganiban, at Labo sa pag-rescue ng mga biktima. Tumagal ng halos dalawang oras ang rescue operation.
Sugatan ang driver at pahinante ng oil tanker truck at ang isang pasahero ng L300 van. Isinugod ang mga ito sa Camarines Norte provincial hospital.
Ayon sa PNP, accident prone area ang pinangyarihan ng aksidente.

The post L300 van vs oil tanker truck:1 patay, 3 sugatan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
L300 van vs oil tanker truck:1 patay, 3 sugatan L300 van vs oil tanker truck:1 patay, 3 sugatan Reviewed by misfitgympal on Abril 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.