Facebook

Ex-bgy. chairman na konektado sa terror group, bulagta sa barilan

TODAS ang itinuturong lider ng isang crime syndicate nang makipagbarilan sa mga tauhan ng PNP – CIDG sa Datu Salibo, Maguindanao.
Kinilala ang napatay na si Marcos Manunggal, dating tserman ng Barangay Tee , Datu Salibo.
Sinabi ni CIDG Director, Maj. Gen. Albert Ferro, na nakuha nila sa operasyon ang ilang matataas na kalibre ng baril at mga bala.
Nakatakas naman ang dalawang tauhan ni Manunggal na sina Datumanot Manunggal at Jaybee Mastura.
Sinabi ni Ferro na bumuo ng grupo si Manunggal na sangkot sa drug trafficking, gun-running at gun-for-hire sa mga bayan ng Datu Salibo, Shariff Aguak at Mamasapano, Maguindanao, bukod sa Midsayap, North Cotabato.
Nabatid na si Mastura ang pinuno ng Ansar al-Khalifa na may kaugnayan sa terror group na Dawlah Islamiyah na sangkot sa ilang insidente ng pambobomba sa Mindanao.

The post Ex-bgy. chairman na konektado sa terror group, bulagta sa barilan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ex-bgy. chairman na konektado sa terror group, bulagta sa barilan Ex-bgy. chairman na konektado sa terror group, bulagta sa barilan Reviewed by misfitgympal on Abril 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.