APATNAPONG piraso ng iba’t ibang uri ng vintage bombs ang nahukay ng Isabela Provincial Explosive Ordnance Disposal sa isang junkshop sa Barangay.Nungnungan II, Cauayan City.
Sinabi ni Police Lt. Oliver Salamero, team leader ng Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit ng Isabela, isinagawa nila ang paghuhukay sa mga bomba matapos na ipagbigay alam sa kanilang tanggapan ng nagmamay-ari ng isang junkshop na mayroong kaimbak ng ibat-ibang uri at laki ng mga bomba na pinaniniwalaang gamit pa noong world war-2.
Ayon kay Salamero, ang mga nahukay nilang bomba ay isang uri ng vintage bomb at hazardous dahil may posibilidad na sumabog kapag na-mishandling.
Ang mga nahukay na vintage bombs ay ang projectile na 155 high explosives at 105 projectile high explosives na mga Japanese military explosive ordinance.
Ayon sa may-ari ng junkshop, nabili nila ang naturang mga bomba sa mga mangangalakal na sa pag-aakala nila ay mga bakal lamang ang mga ito.
The post 40 vintage bomb nahukay sa junkshop sa Isabela appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: