PARA sa ibang basketball followers, mara-ming papasa sa listahan ng PBA GREATS saka-ling magbigay ulit ng awards. Unang inilunsad at kinilala ang PBA 25 GREATEST PLAYERS of All Times noong 25th season, silver anniversary ng solo pro league na PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION na sinundan ng PBA 40 Greats noong 40th season sa pumasok na 15 players.
May critics na sinisilip ang minadali at hindi raw nasalang players para lang maiakma sa bilang na 40 tampok ang 40th season dahil sa mga pasok na walang titulong MVP o mas angat na accomplishment katapat ng level ng iba.
Marami ang nagkukumpara at naghahanap kung bakit hindi pa pumasok ang veteran stalwarts tulad nina NELSON ASAYTONO, DANNY SEIGLE, JEFF CARIASO at AL SOLIS na hindi napabilang, nalampasan pa ng younger batch na walang titulong masasabi.
Kung ano ang tunay na guidelines at requirements ocriteria sa pagpili ng mga pasado sa PBA GREATS, syempre namang nasamanagement yun. Hindi nga lang din maiwasan ang mga puna ng ibangtutok sa karera ng mga idolo at nasundan ang takbo ng liga na ilang taong bahagi ng buhay-Pinoy mula sa hardcourt hanggang sa mga tahanan.
On the other hand, patunay lang na interesado ang Bayang Basketbolista sa history ng PBA games kaya naman namamayagpag pa rin sa Season 46 amid pandemic predicaments. Sandamakmak na restrictionsand challenges pa rin ang nakalatag pero hindi pipiliing isaisantabi ang love for basketball industry.
Kung posibleng magdagdag na ng PBA GREATS soon, ayon sa ibang TV program, kung hindi naman pala basehan lang ang titulo partikular ang MVP award, maraming papasa kung titingnan ang kalibre ng players ngayon. Maging masaya na lang po tayo para sa mga papalarin.
PBA TEAMS, MADADAGDAGAN?
KUNG papapasukin ng management ang tatlong koponan na nag-aaply sa PBA, saktong labinglima (15) ang franchise na maglalaban-laban. Ngayong bumaba sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), mas kaabang-abang ang papasok na Season 46 na iwas na sa bubble set up at nakaplano sa 2-conference mula sa 1-conference last season.
As expected, nakamasid na naman ang critics at inaabangan kung independent teams ba o kaalyado pa rin ng dominant camps ang hihirit kung sakali. Kumpirmado ng ilang opisyales ng liga na tatlongteams nga ang gigil nang sumali. Just in case, asahan na po natin, maiiba ulit ang set up ng mga laro. So there!
APRIL CHEERS
Happy birthday to City Exec. Secretary VICTOR VICTORIA, to Cultural Affairs Head NOLAN ANGELES and RONALDO MANUEL ofMMPC, Mandaluyong LGU, to MAR F. SANTOS of Gen. Trias, Cavite, GISELLE RIVERA-ALEJO of Pugadlawin High School Faculty, Quezon City and RODELYN J. PICA. May you all all be showered with the best blessings.HAPPY READING!
The post PBA GREATS, MARAMING PAPASA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: