Facebook

Adik nakatanggap ng ayuda bumili ng shabu, timbog

ARESTADO ang isang lalaki nang bumili ng shabu gamit ang ayudang natanggap mula sa gobyerno sa Barangay Matandang Balara, Quezon City nitong Miyerkules.
Kinilala ang inaresto na si Joven Llera.
Ayon sa isang barangay official, kakakuha lang ng P4,000 na ayuda ni Llera bago nahu-ling lumalabag sa curfew ng lungsod.
Nang kapkapan si Llera, nakita sa posisyon nito ang isang pakete ng shabu na may halagang P150.
Umamin si Llera na bumili siya ng shabu gamit ang parte ng ayuda, at binigay niya ang natitirang P3,000 sa kapatid.
Nasa kustodiya na ng pulisya si Llera at mahaharap sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
(Boy Celario)

The post Adik nakatanggap ng ayuda bumili ng shabu, timbog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Adik nakatanggap ng ayuda bumili ng shabu, timbog Adik nakatanggap ng ayuda bumili ng shabu, timbog Reviewed by misfitgympal on Abril 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.