MAG-INGAT sa mga taong nakikita sa social media bago i-add dahil baka hindi “friend” ang kanilang hanap kundi mabibiktima.
Gaya ng insidente sa Negros Occidental. Isang lalaki ang nagpapanggap na magandang babae sa fake account nito sa FB upang maghanap ng mahoholdap.
Kinilala ang naaresto sa krimen na si Alvin Amandog, 27 anyos, residente at manggagawa ng Hacienda Bayabas sa Barangay Tortosa sa bayan ng Manapla.
Sa report, nahuli si Amandog sa entrapment operation ng mga awtoridad. Nakuha sa kanya ang ilang bala ng kalibre .38 na baril, dalawang sachet ng shabu, at ilang gamit na pinaniniwalang pag-aari ng kani-yang biktima.
Ayon sa ulat, modus ni Amandog na gumawa ng fake account at nagpapanggap na magandang babae upang maghanap ng lalaking bibiktimahin kapag nakipag-chat sa kaniya at gustong makipagkita.
Pero kapag nagkita na, doon niya hoholdapin ang nabiktima sa FB.
“Ina-add siya ng mga lalaki. Usually ang mga victim niya mga male. Then nakikipag-chat, kinakausap and after that once magkapalagayan na they meet up,” ayon kay Police Lieutenant Abegail Donasco, spokesperson, Negros Occidental Police Provincial Office.
Hinikayat ng pulisya ang iba pang nabiktima ni Amandog na magsampa ng reklamo.
The post Lalaki nagpapanggap na babae sa social media para makapangholdap appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: