Facebook

Magnanakaw pinost sa FB ang ninakaw na bisikleta timbog

ARESTADO ang isang lalaki nang i-post sa social media para ibenta ang mamahaling bisikleta na una nang ini-report na ninakaw sa Calasiao, Pangasinan.
Kinilala ang dinakip na si Wilven Punsalan, residente ng Barangay Talibaew.
Sa report, ibinebenta ni Punsalan ang bisikleta sa halagang P20,000.
Ayon kay Police Lieutenant Ferdinand de Asis, hepe ng Calasiao Police, isang undercover cop ang nagkunwaring interesadong bumili ng piyesa ng bisikleta na ipinost ni Punsalan sa social media.
Nang pumayag si Punsalan na makipagkita, doon na siya inaresto ng mga awtoridad.
Itinaggi naman ni Punsalan na siya ang nagnakaw ng bisikleta pero inamin niyang siya ang nag-post nito sa social media para ibenta.
Naibalik na sa tunay na may-ari ang bisikleta.

The post Magnanakaw pinost sa FB ang ninakaw na bisikleta timbog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Magnanakaw pinost sa FB ang ninakaw na bisikleta timbog Magnanakaw pinost sa FB ang ninakaw na bisikleta timbog Reviewed by misfitgympal on Abril 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.