Facebook

MAGKAPATID NA NANGGAHASA SA KAANAK TIMBOG

LAGUNA – Makaraan ang mahigit na anim na taon pagtatago sa batas, naaresto rin ang magkapatid na responsable sa panggagahasa sa dalagita nilang kaanak sa Barangay Sto. Angel Norte, Sta. Cruz sa lalawigan.
Inaresto ang magkapatid na Nicko Mella, 29, tricycle driver, ng Lupang Pangako, Bgy Sta. Clara Sur, Pila; at ang nakababata niyang kapatid na si Norvin, 28, construction worker, ng Bgy. San Francisco, Victoria. Dinakip sila sa bisa ng Warrant of Arrest mula sa sala ni Judge Cynthia Marino Ricablanca ng Regional Trial Court (RTC) Branch 26, Sta. Cruz. Kapwa sila nahaharap sa kasong Statutory Rape/Rape through Sexual Assault ng anim hanggang pitong counts sa 11-anyos na biktima na kanilang kaanak.
Ayon sa hepe ng Sta. Cruz PNP na si Lt. Col. Chitadel Gaoiran, naganap ang panggagahasa noong 2015.
Naaresto ang magkapatid nina EMS Aldrin Sulit, MSgt. Rex Cabrera, Cpl. Algy Riguer at Cpl Melvin Belen.
Walang kaukulang piyansang inilaan ang korte para sa pansamantala nilang paglaya. (DICK GARAY)

The post MAGKAPATID NA NANGGAHASA SA KAANAK TIMBOG appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MAGKAPATID NA NANGGAHASA SA KAANAK TIMBOG MAGKAPATID NA NANGGAHASA SA KAANAK TIMBOG Reviewed by misfitgympal on Abril 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.