Facebook

Misis kinatay na parang hayop ni mister

KARUMAL-DUMAL ang sinapit ng isang misis sa kamay ng selosong mister nang pagtatagain ito na parang hayop sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Biruk, Dupax Del Sur, Nueva Vizcaya.
Kinilala ang biktima na si Lucia Cadpino, 49 anyos; habang nadakip ang mister nito na si Abance, 49, magsasaka, kapwa residente ng Sitio Awitan, Bgy. Biruk.
Sa ulat, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa na nauwi sa pananaga ng mister sa misis nitong Linggo 7:00 ng umaga.
Ayon sa report, madalas mag-away ang mag-asawa dahil sa pagdududa ng mister na may ibang lalaki ang kanyang misis. Mayroon 10 anak ang mag-asawa at malayo sa mga kapitbahay at kabihasnan.
Mahaharap sa kasong parricide si Abance.

The post Misis kinatay na parang hayop ni mister appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Misis kinatay na parang hayop ni mister Misis kinatay na parang hayop ni mister Reviewed by misfitgympal on Abril 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.