Facebook

Misis ng sub leader ng ASG, arestado

INARESTO ng mga elemento ng Philippine National Police ang asawa ng isang sub leader ng Abu Sayyaf na sangkot sa kidnapping sa operasyon sa Patikul, Sulu.
Kinilala ang nadakip na si Nur Aina Basaluddin Alihasan alyas Indah Nur Aina/Inda Nhur Yadah.
Ayon kay Philippine National Police Chief, General Debold Sinas, 5:00 ng hapon nang magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na elemento ng PNP-AKG, CIDG Sulu Provincial Field Unit 9, 904th MLB, at 7th SAB-PNP SAF sa Barangay Bangkal, Patikul. Isinagawa ang operasyon base sa warrant of arrest sa kasong kidnapping na ipinalabas ni Hon. Shadilyn B. Bangsaja ng RTC Branch 3, Jolo, Sulu noong January 19, 2020.
Sa report, miyembro si Alihasan ng ASG/KFRGZ sa ilalim ng pamumuno ng kanyang mister na si Ben Tattoo na nag-o-operate sa bayan ng Indanan at Patikul.
Sangkot ito sa pagkidnap sa dalawang pulis na sina PO2 Benerose Alvarez at PO1 Dina Gumahad sa Brgy. Liang, Patikul noong April 29, 2018. At nagsisilbi rin itong spotter, food supplier at medical aide ng terorista grupo.( Mark Obleada)

The post Misis ng sub leader ng ASG, arestado appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Misis ng sub leader ng ASG, arestado Misis ng sub leader ng ASG, arestado Reviewed by misfitgympal on Abril 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.