Facebook

Dugyot na vendor sa mga palengke ng Maynila, sususpendihin

ALINSUNOD sa kautusan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na panatilihin ang kaayusan at kalinisan sa mga pampublikong pamilihan partikular sa area ng Divisoria, mismong mga vendor na ang nagwawalis at naghahakot ng mga basura sa kani-kanilang pwesto.
Ito ay matapos suspendihin ng Dagupan Outpost ng Moriones Tondo Police Station ang Divisoria Night Market vendors mula C.M. Recto corner Juan Luna hanggang C.M. Recto corner Ilaya.
Ayon kay Domagoso, sinuspinde ng tatlong araw ang mga nasabing vendor dahil sa naiiwan nilang “cluttered waste” katulad ng hasang at kaliskis ng mga isda at mga plastik.
Aniya, sa loob ng tatlong araw na pagkakasuspinde ng night market ay nagsagawa ng declogging operation ang Barangay 7 at inasistehan ng MPD-Dagupan Outpost sa pamumuno ni P/SMS Gerardo Tubera.
Samantala, pinaalalahanan ni Tubera ang mga manininda sa night market na panatilihin nila ang kaayusan at kalinisan sa kanilang mga pwesto dahil hindi ito mangingiming suspendihin ang mga susuway sa nasabing polisiya. (Jocelyn Domenden)

The post Dugyot na vendor sa mga palengke ng Maynila, sususpendihin appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dugyot na vendor sa mga palengke ng Maynila, sususpendihin Dugyot na vendor sa mga palengke ng Maynila, sususpendihin Reviewed by misfitgympal on Abril 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.