Facebook

Babaeng tulak huli sa P1.7m shabu sa Cavite

AABOT sa 1.7 milyong halaga ng shabu ang nakuha sa 29-anyos na misis na kilalang big-time drug pusher sa buy bust ng pulisya sa Barangay Gavino Madera, Gen. Mariano Alvarez, Cavite, nitong Miyerkules.
Kinilala ang nadakip na si Sulayka Ogagang alias Layking Casar, ng Bgy. Datu Esmael, Dasmarinas City, Cavite, at kasama sa drug watchlist ng pulisya.
Sa ulat, naaresto ng SDET ng GMA Police kasama ang PDEA ang babae 2:30 ng hapon sa tapat ng Jollibee sa Bgy. Gavino Maderan ng bayang ito.
Nakuha sa suspek ang 4 malalaking plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na mahigit sa 260 gramo na nagkakahala ng P1,768,000,00. (Irine Gascon)

The post Babaeng tulak huli sa P1.7m shabu sa Cavite appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Babaeng tulak huli sa P1.7m shabu sa Cavite Babaeng tulak huli sa P1.7m shabu sa Cavite Reviewed by misfitgympal on Abril 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.