Facebook

Bong Go sa gov’t officials: Maging bukas sa suhestyon ng stakeholders vs COVID-19

NANAWAGAN si Senator at Senate Committee on Health chair Christopher “Bong” Go ng pagkakaisa at malaya o konstruktibong pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng mga opisyal ng pamahalaan, medical experts at health advocates para mapalakas ang ginagawang pagsisikap na masawata ang COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Go na dapat ipagpatuloy ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang whole-of-nation approach para sa science-based recommendations.

“To our officials, let us be more open to suggestions from various stakeholders. We cannot overcome this [pandemic] alone. Kaya nga bayanihan ang sinisigaw natin simula pa lang,” ani Go.

Idinagdag niya na nais ng iba’t ibang sektor na makatulong kaya dapat silang mabigyan ng oportunidad na magkaroon ng ambag sa bayanihan efforts.

“Since day one, open talaga ang IATF at maging si Pangulong Rodrigo Duterte sa mungkahi ng different sectors. In fact, pinapatawag nga ni Pangulo ang mga health experts natin tuwing mayroon siyang dinedesisyunan,” ayon sa senador.

Kaugnay nito, inihayag ni Go na inatasan ni Pangulong Duterte ang Food and Drug Administration na masusing aralin at i-validate ang iba’t ibang COVID-19 medications na humihigi ng permits.

“May mga suggestion, may mga gamot na nadiskubre at pinaparating niya agad sa FDA para pag-aralan … Sabi nga ni Pangulong Duterte, kung makakatulong naman ay welcome ito para sa kanya. Siguraduhin muna natin na safe ito dahil buhay ng bawat Pilipino ang nakataya,” anang mambabatas.

Hiniling din niya sa health officials na i-facilitate ang masusing scientific study at ikonsulta ang local at international medical experts sa posibleng paggamit, side effects at panganib ng Ivermectin bilang potensyal na gamot o panlunas sa COVID-19.

“Ang sakin lang, maging bukas ang ating isipan sa mga suhestyon galing sa pribadong sektor at mga health advocates. Ang laban kontra COVID-19 ay hindi lang laban ng gobyerno kundi laban ng buong sambayanan — ng buong mundo. Pakinggan natin ang mga gustong tumulong,” ayon kay Go. (PFT Team)

The post Bong Go sa gov’t officials: Maging bukas sa suhestyon ng stakeholders vs COVID-19 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go sa gov’t officials: Maging bukas sa suhestyon ng stakeholders vs COVID-19 Bong Go sa gov’t officials: Maging bukas sa suhestyon ng stakeholders vs COVID-19 Reviewed by misfitgympal on Abril 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.