Facebook

Mga healthcare workers pinasalamatan ni Sen. Go

LABIS ang pasasalamat ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go ang mga doctor, nurses at medtechs mula sa Cebu na nag-boluntaryong maging augmentation force sa mga medical workers sa National Capital Region at apat na karating lalawigan.

Sinabi ni Go na hindi biro ang laban na haharapin ng mga magigiting na healthcare workers sa NCR plus pero hindi nagdalawang-isip ang mga ito na tumulong sa mga kababayan na nahaharap sa hamon ng COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito, sinabi ni Go na pinatunayan ng 50 magigiting na healthcare workers na buhay na buhay ang diwa ng bayanihan sa mga Pilipino.

Ayon kay Go, napupuno na ang mga ospital sa NCR plus at nagkakasakit na rin ang mga ibang healthcare workers. Ito nagtulak sa kanya para hilingin sa gobyerno na umapela na ng tulong mula sa mga healthcare workers mula sa ibang rehiyon.

Binigyang diin ni Go na sa ganitong panahon ng matinding krisis, kailangan ang whole of nation approach.

Sa pamamagitan aniya ng bayanihan at kooperasyon makasisiguro ang bansa na mapagtatagumpayan ang laban na ito kontra COVID-19 pandemic.

Muli rin tiniyak ni Go na sa abot ng makakaya nila ni Pangulong Rodrigo Duterte ay magsi-serbisyo sila sa sambayanan. (Mylene Alfonso)

The post Mga healthcare workers pinasalamatan ni Sen. Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga healthcare workers pinasalamatan ni Sen. Go Mga healthcare workers pinasalamatan ni Sen. Go Reviewed by misfitgympal on Abril 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.