SA kauna-unahang pagkakataon simula nang ilunsad ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang mass vaccination program noong isang buwan buhat sa mga dosis na kaloob ng national government, sinabi ni Mayor Isko Moreno na natupad na ng lungsod ang orihinal na plano nito na na gawin ang pagbabakuna sa 18 lugar na nakakalat sa anim na distrito ng kabisera ng bansa.
Ang nasabing bilang ng mga lugar ng pagbabakuna ay ginamit sa pagpapatuloy ng vaccination program kung saan mga kabilang sa kategoryang A3 na edad 18 hanggang 59 at may comorbidities ang tumanggap ng bakuna at ito ay upang mapaluwag at mapaiksi ang haba ng pila.
Sinabi ni Moreno na sina Vice Mayor Honey Lacuna na isa ring doktor at siyang namumuno sa health cluster ng lungsod at si Manila Health Department chief Dr. Arnold Pangan ang siyang in charge sa rollout ng bakuna upang tiyaking maayos, ligtas at banayad ang daloy ng programa.
Sa kanyang live broadcast, sinabi ng alkalde na habang sinisikap ng pamahalaang lungsod na mabakunahan ang lahat ng nasa kategoryang A3 ay plano na rin ng lungsod na mabakunahan ang mga nabibilang sa pamamahagi ng lahat ng uri ng tulong mula sa lokal na pamahalaan sa ilalim ng kategoryang A4.
Binigyang diin ni Moreno na ang mga naghahatid ng mga food boxes at cash aid ay nakakaharap ng tao na umaabot sa 500 hanggang 1,000 bawat isa sa kanilang araw-araw na pagtungo sa mga residente at dahil dito ay mas mataas ang posibilidad na ma-exposed at mahawa sila sa virus.
Sa ilalim ng orihinal na plano sinabi ng alkalde na napag-usapan nila nina Lacuna at Pangan noon pang Enero na target ng pamahalaan na Moreno said makapagbakuna ng maximum na 18,000 katao kada araw o katumbas ng 540,000 kada isang buwan.
Umaasa si Moreno na dahil sa dami ng mababakunahan ay magkakaroon ng herd immunity ang lungsod.
Muli ay pinasalamatan ng alkalde ang mga opisyal ng national government sa pangunguna ni President Duterete, health secretary Francisco Duque III at vaccine czar Carlito Galvez, Jr. gayundin ang Inter-Agency Task Force sa bakunang natanggap ng lungsod.
Sinabi ni Moreno na simula pa noong 6:38 p.m. nang April 6, may total na 43,885 ang nabakunahan sa lungsod ng Maynila kung saan 343 ang nakatanggap na ng kanilang second dose.
Muli ay hinikayat ni Moreno ang mga residente na magrehistro sa https://ift.tt/3wsL166 para makakuha ng slot sa vaccination program, dahil kailangan ito para sa karagdagang proteksyon laban sa coronavirus.
Sa kasalukuyan ay may 236,270 na nakapagrehistro para sa libreng mass vaccination program ng Maynila at sinabing babakunahan na sila sa oras na matapos ng bakunahan ang mga nasa priority list.
Nanawagan ding muli si Moreno sa mga also residente na ituloy ang pagtugon sa health protocols na kinabibilangan ng pagsusuot ng face masks at face shields, madalas na paghuhugas ng kamay at social distancing. (ANDI GARCIA)
The post Manila, may 18 vaccination sites na — Isko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: