Facebook

Mga LGU na eepal sa pamamahagi ng ayuda, kakasuhan ng DILG

NAG-UMPISA na kahapon (Marso 6,) ang pamahagi ng P1,000 ayuda sa mga apektado ng pagsasailalim ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna. Ayon kay Director at Undersecretary Irene Dumlao ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ibinaba ng Bureau of Treasury ang mga pondo nito lamang Abril 5 sa mga apektadong local government units (LGUs). Aniya, tukoy narin ang mga mabibigyan ng ayuda at ito ay yung mga nabigyan na umano ng tulong pinansyal mula sa social amelioration program (SAP). Nakasaad kasi aniya sa memorandum ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga LGUs na tukuyin ang pinakamabilis na paraang upang agad na maipamahagi ang assistance, ito man ay in-kind o cash. Paglilinaw ni Dumlao, kung cash ang ibibigay na tulong ay dapat na maipamahagi ito ng mga LGU sa loob ng 15 araw at kung in-kind naman ay dapat itong maipamahagi hanggang sa 30 araw.

***

Samantala agad naman na sasampahan ng kaukulang kaso ng Department of Interior and Local Government ang mga barangay officials na eepal at magsasamantala sa pamamahagi ng social amelioration program o pinansyal na ayuda sa mga apektado ng enhanced community quarantine dahil sa COVID-19. Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, ipinagbabawal sa sinumang pulitko at mga lokal na opisyal ang pamumulitika sa pamamahagi ng SAP. Ipinagbabawal ng DILG ang paglalagay ng pangalan o kahit pa initials lang ng sinumang lokal na opisyal o pulitiko sa ipamimigay na ayuda, in cash man ito o in kind. Bawal din aniya ang paglalagay ng larawan o logo ng pulitiko sa sobreng paglalagyan ng ayuda o sa plastic na gagamitin kung groceries ang ipamamahagi at maging ang pamumudmod ng mga polyetos. Hindi rin aniya pinapayagan na magsabit pa ng tarpaulin kung saan mababasa ang pangalan ng pulitiko o lokal na opisyal at nakabalandra maging ang kaniyang larawan sa tarpaulin.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa balyador69@gmail.com.

Samantala, laging subaybayan ang palatuntunang “walang personalan trabaho lang” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00nn sa RADYO NG MASA entertainment net radio. Tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band at 10:00am-11:00am sa DWXR 101.7FM – Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!

The post Mga LGU na eepal sa pamamahagi ng ayuda, kakasuhan ng DILG appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga LGU na eepal sa pamamahagi ng ayuda, kakasuhan ng DILG Mga LGU na eepal sa pamamahagi ng ayuda, kakasuhan ng DILG Reviewed by misfitgympal on Abril 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.