PINAGHAHANAP ngayon ng mga otoridad ang isang barangay kagawad na namaril ng nakaalitan nitong kapwa barangay official sa San Antonio Santicon, Malilipot, Albay.
Kinilala ang biktima na si Brgy. Kagawad Efren Bombita, 65 anyos, na nagtamo ng tama ng bala sa braso nang paputukan ni Kagawad Jovito Bonaobra Bermas, Sr., 55..
Sa report, naglalakad sa kanilang barangay ang biktima nang abangan at paputokan ni Bermas. Maswerteng sa braso lang tinamaan ng bala ang biktima na agad na naitakbo sa ospital, habang mabilis na tumakas ang salarin.
Nabatid na dati nang may alitan at nagharap sa barangay ang dalawa nang minsang suntokin ni Bermas si Bombita nang tumanggi itong makipag-inuman sa kanya.
The post Brgy. Kagawad wanted sa pamamaril ng kapwa kagawad appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: