Facebook

Community Pantry sa Maynila ‘di kailangan ng permit – Isko

GOOD deeds need no permit.

Ito ang pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno kasabay ng deklarasyon niya kaugnay ng polisiya sa kabisera ng bansa sa paglalagay ng community food pantries na hindi na kinakailangan ng permit. At bilang patunay ay inatasan ng alkalde si Manila Police District (MPD) Director B/Gen. Leo Francisco na siguraduhing ang lahat ng police stations ay hahayaan ang mga nasabing pantries at walang huhulihin alinman dito.

“We don’t require permit. Good deeds need no permit. Nagpapasalamat ako sa Diyos na sa gitna ng kahirapan ng bawat isa sa pandemyang ito ay umiiral ang pagmamahal at pagmamalasakitan ng ating kapwa at ito ay gagamitin nating inspirasyon sa paglilingkod sa bayan upang pagbutihin pa ang ang serbisyo ng pamahalaang-lungsod lalo na yung Food Security Program 2021…maraming salamat sa lahat ng mamamayan na gumagawa ng kabutihan sa kapwa. Manatili po sanang ganyan at walang susuko. Kaya natin ito at may awa ang Diyos makakaraos din tayo,” pahayag ni Moreno.

Pinuri ni Moreno ang negosyanteng si Ann Patricia Non kung saan ang itinayong Maginhawa Community Pantry sa Quezon City ay nag-viral at pinagsimulan ng mas marami pang community pantries sa bansa. Dahil dito ay pinuri din ng alkalde ang mga residente ng Maynila na gumaya at sa sumunod sa paglalagay ng pantries katulad na lang ng ginawa sa P. Noval Street sa Sampaloc.

“Maraming salamat Ann, na-inspire mo ang mga Batang Maynila. ‘Yung kanyang kabutihang-loob, dahil maganda ang intensyon, naturally nagkaroon ng growth kaya ginaya, kesa kung bilasa ang intensyon o pakitang-tao..dapat papurihan kasi mabuti ang pagkakawangggawa,” sabi ng alkalde.

Ayon kay Moreno ang mga magagandang gawa ay walang katumbas kundi papuri at walang ibang dapat na gawin ang mga nasa pamahalaan kundi ang magpasalamat at mag-isip ng paraan kung paano matutulungan ang pamayanan dahil ang kanilang ginagawa ay kabawasan sa trabaho ng gobyerno.

Ayon pa kay Moreno ay nagpadala siya ng text message kay Francisco at inutusan itong impormahan ang lahat ng police stations at presinto sa lungsod na walang aarestuhin at tiyaking ligtas ang sinuman na maglalagay ng community food pantries sa Maynila.

“Walang huhulihin…in fact, hinihikayat natin ang bayanihan, isang tradisyon o kaugalian nating Pilipino na kakaiba sa buong mundo dala ng kusang- loob. It is now a policy in Manila, na di kailangan ng permit sa paggawa ng kabutihang kusa, me nakatingin o wala, gaya nung ginawa,” ayon sa alkalde.

“Ang ginagawa nyo ay nakakagaan pa sa amin sa taong gobyerno kaya the least that you should expect from us is ‘thank you.’ May ilang ahensiya di ko maintindihan baka naman misinformed lang sila,” dagdag pa ni Moreno.

Sinabi ng alkalde na labis siyang naliligayahan dahil nagsipagsunuran ang mga taga-Maynila sa pagtatayo ng community food pantries na siyang panawagan niya sa kanyang gabi-gabing live broadcasts at ito ay ang mahalin ng taga-Maynila ang kanyang kapwa mamamayan at magpakita ng malasakit dahil marami ngayon ang nakakaranas ng gutom.

Samantala ay umapela naman ang alkalde sa mga organizers at beneficiaries ng community food pantries na tiyaking hindi magkakaroon ng overcrowding at istriktong susundin ang minimum health protocols.

Nanawagan din si Moreno sa mamamayan na pairalin ang disiplina at huwag kumuha ng sobra-sobrang pagkain para may mapakinabangan din ang iba.A food pantry ay isang distribution center kung saan ang mga nagugutom na pamilya ay maaring kumuha ng pagkain ng libre. (ANDI GARCIA)

The post Community Pantry sa Maynila ‘di kailangan ng permit – Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Community Pantry sa Maynila ‘di kailangan ng permit – Isko Community Pantry sa Maynila ‘di kailangan ng permit – Isko Reviewed by misfitgympal on Abril 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.