NAGMUMULA sa back-to-back na tagumpay kontra kina dating World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion Zolani ‘The Last Born’ Tete ng South Africa at 2012 Olympian boxer Duke Micah ng Ghana, target ngayon ng bantog na Pinoy knockout king na si John Riel Casimero na manaig sa kanyang laban kontra sa isa ring katulad niyang knockout artist sa Agosto 14.
Ayon sa mga boxing aficionado, sa pagharap niya kay Guillermo ‘El Chacal’ Rigondeaux ng Cuba, hindi magiging adali para kay Casimero—na kilala din bilang ‘Cudro Alas’—na magapi ang kanyang kalaban dahil mistulang mahaharap siya sa isang mabangis na hayop sa pagsama niya sa ring para sa pandaigdigang korona ng bantamweight division.
Ang Pinoy bantamweight champion ang may hawak ng korona ng WBO, na kanyang itataya laban kay Rigondeaux. Sa kabilang dako, itataya naman ng Cubano ang kanyang World Boxing Association (WBA) championship title.
Inaasahan mang magiging kapana-panabik ang sagupaan ng dalawang kampeon, hindi pa natutukoy ang venue ng laban subalit inanunsyo ng Premier Boxing Champions and Showtime na ihahayag nila ito sa nalalapit na panahon.
Gayun man, sinabi ng mga boxing fan na ang matchup ay tiyak na magiging matinding laban para sa magkatunggali dahil kapag nanalo si Casimero, maituturing na isang jump-off point para sa Pinoy na hamunin ang pinakamahusay sa bantamweight division na sithree-weight world hampion Naoya ‘Th Monster’ Inoue ng Japan.
Hbang nasa rurok ng six-fight stppage streak, makakaharap ni Casimero ang isang maestro boksingero sa katauhan ni Rigondeaux. Nasa edad 40 anyos man, nananatili ang Cubano bilang isang mabigat na kalaban sa sinuman—na may dalang kartada na 20-1-1 win-loss-draw record kabilang ang 13 knockout.
Si Rigondeaux ay isa ring two-time Olympic champion, two-time world championships gold medalist at three-time World Cup titleholder. Bukod sa mga ito, dati rin siyang Pan American Games at Central American titlist at seven-time Cuban national topnotcher.
Sa kabilang dako, si Casimero naman, na may record na 30-4-1 kasama ang 21 knockout, ay bata sa kanyang kalaban ng walong taon at nagpakita na ng impresibong galling sa pagkakapanalo niya sa dalawang pinakamatitinding kampeon mula African continent.
Sa panayam, nangako ang 32-anyos na si Casimero na pababagsakin niya si Rigondeaux.
The post Cuadro Alas haharapin si El Chacal para sa 2 korona sa Agosto appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: