Facebook

DAR office hiniling i-lockdown sa paglobo ng Covid-19 cases

BUNSOD ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 nanawagan ang unyon ng Department of Agrarian Reform Employees Association (DAREA) na pansamantalang i-lockdown ng dalawang Linggo (2) ang Central office ng DAR sa Elliptical Road, Quezon City.
Ang panawagan ay ginawa ni DAREA National President Jocelyn A. Chua matapos maalarma ang mga empleyado at kawani ng DAR sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa naturang tanggapan.
Sinabi ito ni Chua sa isang telephone interview na kabilang sa hinihiling ng unyon ng DAR na pansamantalang i-lockdown ang DAR Central Office, Region 4A at 4B Building office sa Elliptical Road, Diliman, QC.
Nabatid pa kay Chua sa kasalukuyan aabot sa mahigit 40 kaso ng Covid-19 ang nagpositibo sa DAR at lubha umano silang nababahala sa kaligtasan ng mga kawani at empleyado ng DAR.
Magugunitang nauna rito pansamantalang sinuspindi ang operasyon ng DAR Central Office nitong nakalipas na Hulyo 14, 2020 matapos magpositibo ang isang opisyal ng ahensya sa Covid-19. (Boy Celario)

The post DAR office hiniling i-lockdown sa paglobo ng Covid-19 cases appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DAR office hiniling i-lockdown sa paglobo ng Covid-19 cases DAR office hiniling i-lockdown sa paglobo ng Covid-19 cases Reviewed by misfitgympal on Abril 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.