MANANATILI sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila, Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal hanggang Abril 11.
Ayon ito sa announcement ni Presidential Spokesman Harry Roque.
Magugunitang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalagay sa ECQ sa mga lugar na nasa “NCR Plus bubble” mula Marso 29 hanggang Abril 4 dahil sa pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Pinaaga rin ang curfew hours mula alas-6 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling-araw.
Kapwa hinirit ng Department of Health, IATF at OCTA Research group ang isang linggong ECQ extension laban sa pagsirit ng COVID case.
Nitong Sabado lumobo na sa 165,715 ang active COVID-19 case sa Pilipinas matapos panibagong 12,576 katao ang magpositibo sa virus. (PFT Team)
The post ECQ sa Metro Manila, 4 pang lugar pinalawig ng 1 linggo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: