Facebook

Intensiyon ni PRRD na magtayo ng vaccine institute, suportado ni Sen. Go

SUPORTADO ni Senador Christopher “Bong” Go ang layunin ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtayo ng vaccine institute upang magkaroon din ng kakayahan ang bansa na makagawa ng sariling bakuna sakali mang magkaroon muli ng pandemya sa hinaharap.

“Suportado ko po ang kagustuhan ni Pangulong Duterte na magkaroon tayo ng vaccine institute sa Pilipinas na magbibigay ng kakayahan sa ating bansa na mag-develop at mag-produce ng sarili nating mga bakuna, hindi lamang laban sa COVID-19 kundi maging sa mga susunod pang pandemya,” ayon kay Go.

“Mas mabuting handa tayo, mas mabuting meron tayong manufacturing ng bakuna para ‘di na tayo maipit. Napapanahon na po na magkaroon tayo ng sarili nating kapasidad dito sa ating bansa.”

Noong Martes, sinabi ni Pangulong Duterte na nais niyang magkaroon ang Pilipinas ng sariling vaccine institute upang maging sa legasiya niya sa mga Pinoy bago matapos ang kanyang termino sa 2022, at inatasan ang Department of Budget and Management (DBM) na maglaan ng pondo para dito.

Sinuportahan rin naman ni Department of Science and Technology Secretary Fortunato dela Peña ang panukala ng pangulo at sinabing isusulong nila ang pagtatatag ng Virology Science & Technology Institute of the Philippines (VIP) na ang pangunahing responsibilidad ay bumuo ng mga bakuna.

Sinabi pa ni Go na napakalaki ng potensiyal ng bansa na makapag-produce ng sariling mga gamot at bakuna hindi lamang laban sa COVID-19, kundi laban sa iba’t ibang karamdaman.

“Napakalaki po ng potensyal ng ating bansa na mag-produce ng sarili nating mga gamot at bakuna laban sa samu’t saring mga sakit. Napapanahon na po upang pag-aralan natin kung papaano tayo magiging self-reliant pagdating sa aspetong ito,” aniya pa.

Hiniling rin niya sa DOST, sa tulong ng mga health experts, local pharmaceutical companies, pribadong sektor, gayundin din ng mga mula sa academe, na makipag-ugnayan sa mga international vaccine producers upang makapagsimula na kaagad ang pamahalaan nang pagmamanupaktura ng kinakailangang COVID-19 vaccines.

“This initiative will not only boost our local vaccine supply, but can also help increase production of vaccines in the world market,” ani Go.

Sa kabila naman nang mga hamong kinakaharap ng pamahalaan sa pagbili ng COVID-19 vaccines, muli ring tiniyak ni Go na walang pagkaantala na magaganap sa vaccine rollout dahil ang mga awtoridad ay tumatalima lamang sa mga kinakailangang proseso at napagkasunduang schedule sa kanilang mga international partners. (Mylene Alfonso)

The post Intensiyon ni PRRD na magtayo ng vaccine institute, suportado ni Sen. Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Intensiyon ni PRRD na magtayo ng vaccine institute, suportado ni Sen. Go Intensiyon ni PRRD na magtayo ng vaccine institute, suportado ni Sen. Go Reviewed by misfitgympal on Abril 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.