UMAPELA si Senator Christopher “Bong” Go sa concerned agencies at sa private sector, na pabilisin ang construction at expansion ng karagdagang modular facilities at tents na may COVID-19 isolation at ICU beds para magamit ng mga pasyenteng nahawahan ng virus.
“I laud the continuing efforts of the government to provide more isolation facilities for people with mild and moderate COVID-19 cases; however, the need for more facilities that can handle severe and critical conditions must also be considered,” ani Go.
Para ma-maximize ang mga resources, hiniling din ni Go sa gobyerno na tukuyin ang mga lokasyon na paglalagyan ng modular facilities at tents na may ICU beds, o ang mga kasalukuyang estruktura na maaaring gawing temporary health facilities para paglagyan ng mga COVID-19 patients na umaapaw sa mga ospital.
Iginiit ni Go ang pangangailangan na doblehin ang efforts para mabawasan ang waiting time ng mga pasyente na nangangailangan na ng urgent treatment o dapat nang ma-admit dahil sila’y nasa kritikal.
“Nakakaawa po ‘yung mga kababayan nating naghihingalo na tapos wala pang mahanap na ospital. Buhay po ang nakasalalay sa bawat minutong pag-aantay makakuha lang ng ospital, kama, at doktor para maalagaan sila,” anang senador.
“Huwag nating hintayin na nag-aagaw buhay na sa labas ng mga ospital ang ating mga kababayang may sakit. Gawin natin ang lahat ng ating makakaya para sagipin at gamutin sila,” idinagdag niya. (PFT Team)
The post Bong Go: Konstruksyon ng pasilidad, tents na may COVID-19 isolation, ICU beds madaliin appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: