Facebook

Hindi nagkulang

HINDI na senador si Sonny Trillanes nang humagip ang pandemya sa bansa noong buwan ng Enero, 2020. Natapos ang kanyang labindalawang taon na termino bilang senador (dalawang beses siyang nahalal) noong ika-30 ng Hunyo, 2019. Ngunit hindi nagkulang si Trillanes na sabihin ang kanyang saloobin at mga mungkahing solusyon sa gobyerno ng tila nabubuang na si Rodrigo Duterte. Palaisipan kay Trillanes kung bakit hindi pinupulot ni Duterte at mga alipores ang ilang mabubuting suhestiyon gayong ito ang panahon upang magsama-sama at magkaisa-isa ang sambayanan.

Nasa kalagitnaan ng 2020 nang ihayag at binigyang diin ni Duterte na ang bakuna ang pinakamabisang solusyon sa pandemya, ani Trillanes sa isang forum sa pamamagitan ng teknolohiyang Zoom na dinaluhan ng mahigit 200 alumni ng Ateneo University sa iba’t-ibang panig ng bansa at mundo. Ngunit nakakapagtaka na hindi nakipag-usap agad ang pangkat ni Duterte upang makabili ng bakuna mula sa mga pharmaceutical firm, aniya. Maaaring incompetence (kawalan ng kakayahan) at kawalan ng foresight (pananaw sa hinaharap) ang dahilan, aniya.

May mga narinig ang lider oposisyon na nakipag-usap umano ang kampo ni Duterte sa mga kinatawan ng kumpanyang gumagawa ng bakuna na hindi pinangalanan upang sa kanila umangkat ng bakuna ang Filipinas. Ipinahiwatig ni Trillanes na mukhang may nagnegosyo kaya hindi agad sila kumuha ng bakuna. Dahil dito, isa ang Filipinas sa mga bansang nahuling ilatag ang programa sa bakuna, aniya. Lampas 12 milyon ang nabakunahan sa Indonesia samantalang wala pa sa isang milyon na nabakunahan sa Filipinas, aniya. (Lampas 17 milyon ang nabakunahan sa Indonesia samantalang wala pa sa 1.5 milyon dito.- Ulat)

Ipinaliwanag ni Trillanes na kahit noong nakaraang taon, iminungkahi niya sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) payagan ang mga local government units (LGUs) at pribadong kumpanya na umangkat ng bakuna mula sa mga kumpanya ng bakuna upang ibigay sa kanilang nasasakupan at empleyado. Kamakailan lamang pumayag ang IATF pagkatapos ng matinding lobby sa gobyerno ni Duterte. Ibinigay lamang ito matapos nasiguro nila na walang darating na bakuna sa Filipinas sapagkat nakontrata na ito ilagay sa ilang mauunlad na bansa.

Hindi lang ito ang hiniling ng dating mambabatas sa kanyang pakikipagtalastasan sa mga taong gobyerno. Iminungkahi ni Trillanes na bigyan ng emergency use authority (EAU) ang mga bakuna na aprubado sa Estados Unidos, European Union, at WHO bago dumating ang mga bakuna sa bansa upang hindi maantala ang pagbibigay sa mga tao. Bukod diyan, ibinigay niyang suhestiyon ang mabilis na pagbibigay ng bakuna sa mga high density area sa Metro Manila, Metro Cebu, at Metro Davao at pagbibigay prayoridad sa mga frontliner.

Tuluyan ng naligaw ang gobyerno sa usapin ng pandemya. May mga balita kamakailan na mas pinag-uusapan ang pagbibigay ng awtoridad sa pagsubok sa ilang gamot na walang pinatunayang epekto sa pandemya. Kasama sa mga pinag-aaralan ang Ivermectin, ang sinasabing gamot sa bulate ng mga aso. Kahit ang Merck, ang kumpanya ng gamot, ay nagsabing walang pinatunayang bisa ang Ivermectin sa pagsugpo sa pandemya.

Maraming suhestiyon si Trillanes sa pandemya na hindi pinakinggan kahit bahagya, ayon sa kanyang diskurso sa harap ng mga nagtapos sa Ateneo. Ipinaliwanag niya na nagbigay siya ng mga suhestiyon kahit noon pang Marso, 2020 at sinundan pa ang mga ito noong Mayo, Hunyo, at Setyembre. Sa kasamaang palad, hindi dininig kahit walang malinaw na dahilan upang hindi harapin.

Isa sa kanyang inirekomendang solusyon an gang pagpapalaki ng mga kapasidad sa intensive care unit (ICU) at pagdaragdag ng bed capacity ng mga pampublikong pagamutan. Maaaring gamitin ang AFP Engineering Brigade at LGUs sa solusyon. Suhestiyon ng dating senador na gamitin ang mga pampublikong paaralan na malapit sa mga ospital bilang bahagi ng mga pagamutan.

Iminungkahi ni Trillanes ang pagmobilisa sa mga dagdag na health care worker told na mga doktor, nars, at ibang pang manggagawang medikal. Maaaring gamitin ang mga nursing graduate na hindi pa kumuha ng nursing board bilang mga nursing assistant, aniya. Kasama sa kanyang mga mungkahi ang paggawa at pagkalap ng mga PPEs, face mask, ventilators, testing kits, at iba pang gamit sa pandemya at paggawa ng mga resting area para sa mga frontline health worker.

Iminungkahi ni Trillanes ang house-to-house testing sa mga lugar na tinamaan ng pandemya. Dinahilan niya na hindi pupunta ang mga mahihirap na kababayan sa mga testing center dahil sa ayaw nilang iwanan ang trabaho. Isinumite nila bilang suhestiyon ang pagdagdag ng mga testing center at pagpapaikli ng oras sa pagpapalabas ng resulta ng testing. Kailangan mailabas ang resulta sa loob ng anim na oras o mas maikli, aniya. Hindi pinakinggan ang kanyang mga suhestiyon na ikinagulat at ipinagtaka niya.

***

TUMAGAL ng tatlong oras ang forum ni Sonny Trillanes sa mga alumni ng Ateneo. Matindi ang tanungan at sagutan sa forum. Isa sa mga tanong ang saloobin ni Sonny Trillanes tungkol sa pakikitungo ng Filipinas sa China. “Very weak” (masyadong mahina) ang foreign policy ng Filipinas tungkol sa China. Masyadong sumusunod ang Filipinas sa mga kapritso ng China. Hindi ito dapat ginagawa ng isang bansa na may respeto sa sarili, aniya.

Matindi ang pananalita ni Trillanes kahit na hindi umaalis ang mahigit 160 sasakyang pandagat sa EEZ ng Filipinas sa Julian Felipe Reef. Itong ang dahilan kung bakit muling naghain ng panibagong diplomatic protest ang DFA sa China. Mukhang totohanin ni Teddy Locsin, kalihim ng DFA, na hindi siya mangiming maghain kahit araw-araw ng diplomatic protest sa China hanggang hindi umaalis ang mga sasakyang pandagat sa EEZ ng Filipinas. Tuluyan ng nahati ang gobyerno sa dalawang paksyon: ang kampi at kontra sa China.

Pinangungunahan ni Rodrigo Duterte ang paksyon na kampi sa China. Kasama ni Duterte si Bong Go, Jose Calida, at Imee Marcos. Iba ang paninindigan nina Delfin Lorenzana, Teddy Locsin, at ni AFP chief of staff Gen. Cirilo Sobejana na pawang tutol sa pamamayagpag ng China sa ating bansa. Hindi pa tapos ang isyung ito at inaasahan ang paglala ng usapin sa susunod na mga araw.. Tatagal kaya si Duterte hanggang sa wakas ng kanyang termino sa ika-30 ng Hunyo, 2022? Paano kung biglang alisin ng AFP ang suporta sa kanya bilang Commander-in-Chief ng AFP? Uuwi na lang siya sa Davao City?

***

MALAKING kalokohan ang kawalan ng kaalaman ng maraming opisyales ng gobyernong ito ng mga probisyon ng Saligang Batas. Mayroon kaming isinulat tungkol ditto:

The biggest problem confronting the country’s top officials – the madman, his sidekicks and minions, and lawmakers – is their inability or failure to read the 1987 Constitution. Their statements reflect gross ignorance of the 1987 Constitution, its letter and spirit. They have hardly internalized its meaning and intent. Although they have the sworn duty to defend and uphold the Constitution at all times, their public statements indicate they are the first to break it. They don’t even know it is the soul of the nation. There is too much ignorance and stupidity among them. They are even proud of it.

***

QUOTABLE QUOTES: “Absolutely, we’ve no objection to making diplomatic protests a daily or weekly occurrence. But will China listen? Our foreign policy toward China has been developed and articulated from a position of weakness, according to Sonny Trillanes in his talk to more than 200 alumni of Ateneo University in a forum via Zoom. This ‘very weak’ foreign policy has been made by no less than Rodrigo Duterte, who has been pursuing a policy of total appeasement to China.” – PL, netizen

“Duterte, Bong Go, and Ramon Lopez look so pathetic to believe they could set up one vaccine manufacturing plant in the Philippines in six months … On the contrary, it would take up at least five years to have one in Singapore, not the Philippines. The way they have hounded Sanofi with lawsuits and unfounded accusations on its Dengvaxia vaccine has pushed to put up one in Singapore, not the Philippines. Ano sila hilo at lito?” – PL, netizen

“No law is violated when one feeds the hungry and helps the needy survive in this pandemic. Community pantries should be praised, not profiled; replicated, not red-tagged; supported, not stopped.” – Domingo Egon Cayosa, national president ng Integrated Bar of the Philippines

The post Hindi nagkulang appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Hindi nagkulang Hindi nagkulang Reviewed by misfitgympal on Abril 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.