Facebook

May sakit sa puso huwag mangamba sa bakuna – PHA

ITO ang lumalabas sa naging pagsusuri ng mga eksperto sa medisina partikular sa mga dalubhasa patungkol sa larangan ng puso.., na ang mga may sakit sa puso ay maaaring magpaturok at huwag mangamba sa pagpapabakuna laban sa COVID-19 dahil mas malaking benepisyo ang maidudulot laban sa iba’t ibang uri ng mga virus.

Napapanahon ang paglitaw ng mga ganitong usapin na binuo ng PHILIPPINE HEART ASSOCIATION (PHA) hinggil sa isinasagawa ngayong COVID VACCINATION HUMAN TRIALS, dahil sa kabila ng puspusang pangangampanya ng gobyerno sa pangunguna ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) na pinangangasiwaan ni SECRETARY FRANCISCO DUQUE III ay tila bantulot pa rin ang karamihan sa mamamayan na magpabakuna dahil sa mga nababalitaang side effect o adverse effect mula sa mga napagbabakunahan hinde lamang sa ating bansa kundi maging sa iba’t ibang bansa.

Anumang pang-eengganyo sa paraang mismong mga government officials na ang naunang mga nagpabakuna para maipakita sa sambayanan na dapat pagtiwalaan ang COVID VACCINES, ay tila marami pa rin ang bantulot para makibahagi sa isinasagawang HUMAN TRIALS VACCINE ngayon sa ating bansa.

Nitong April 21, sa isinagawang online forum ng PHA sa pamamagitan ng zoom at FB Live na may temang PANGAMBA SA BAKUNA; ANG PUSO SA GITNA NG PANDEMYA ay iponunto ng mga dalubhasa sa medisina ang kahalagahan sa pagpapabakuna at hinde dapat na katakutan o ayawan ninuman para ang katawan ay magkaroon ng enerhiyang panlaban sa mga nagsusulputang virus ngayong COVID-19 PANDEMIC.

Isa sa mga GUEST EXPERT na si DR. EUGENE REYES ng DOH- ADVERSE EFFECT FOLLOWING IMMUNIZATION (AEFI) ay nagpahayag na 2 ang uri ng side effects ng bakuna. Ito ay ang AEFI at ang NATIONAL ADVERSE IMMUNIZATION COMMITTEE na grupo ng mga medical expert para sa pagmomonitor sa iba’t ibang nagiging epekto ng mga nagpaturok ng COVID VACCINES.

Ang grupo ni DR. REYES ay isa lamang sa mga independent body na nagbibigay gabay o umaasiste sa DOH at sa FOOD AND DRUG.ADMINISTRATION (FDA) patungkol sa inilulunsad na COVID VACCINATIONS.., na ang kanilang grupo ang nagsusuri sa mga kaganapan kung mayroon nga bang magiging ebidensiya na ang bakuna ba ang dahilan sa pagkakaroon ng side effects. Gayunman, ang resulta sa kasalukuyan nilang pagsusuri ay “NON SERIOUS” ang marami sa mga side effects na nakita o naging reaksiyon mula sa mga nabakunahan.

“Ibig sabihin po mga mild symptom lang po yan dahil tinurok ang iyong muscles natural na masakit kasi tinusok ng needles nilagyan ka ng bakuna natural magre-react ang katawan mo magkakaroon ka ng muscle pain fever and sometimes chills natural lang po iyan at hindi po yan tumatagal,” pahayag ni DR. REYES.

Iponunto naman ni PHA COUNCIL ON HEART FAILURE CHAIR DR. MICHAEL JOSEPH AGBAYANI na ang mga taong may sakit sa puso o may alta presyon ay hinde dapat na matakot sa bakuna dahil higit umanong kailangan ng mga ito ang bakuna.., upang magkaroon ng pangdepensa ang katawan laban sa mga virus na nagdudulot sa maagang kamatayan ng sinumang makakapitan ng COVID-19 o ng iba’t ibang mga COVID VARIANTS.

“Yung mga maysakit sa puso, sila yung vulnerable sa covid so mas mataas yung chance nilang magkaroon ng severe ng kaso at mas mataas yung chance nilang mamatay kung magkaroon sila ng severe covid, so sila dapat ang protektahan, sila dapat yung.., kaya nga sila naka prioritize para ma-vaccinate, so puwede kayong ma-vaccinate.., so hindi kailangan tanungin sa doktor ninyo.., meron ho akong sakit sa puso, pwede ba? Actually kayo yung prioritize, dapat magpa-vaccinate kayo,” paggigiit ni DR. AGBAYANI para sa proteksiyon laban sa COVID.

“Huwag nating kalimutan na mas lamang po na magpabakuna para sa covid kahit na po tayo po ay may kalagayan sa puso o may altapresyon, nakagamot para sa puso sa altapresyon blood thinner, yan po ay pag-uusapan lang po sa vaccination sites pag screen po sa inyo. Hindi po ito kailangan kadalasan ng clearance necessarily, kailangan lang po may medical certificate kayo kahit kapag kayo ay may obesity may high blood mga ganung sakit para ma-identify lang po kayo na kayo po ay karapat dapat maturukan.., pero kung tutuusin po natin, mas lamang po ang ikabubuti ng bakuna kumpara sa napag-usapan nating mga posibleng peligro at hindi pa napapakita po locally yung tinatawag na blood clotting. Sana nawa, hindi po ito mangyari sa atin, so matuloy na po tayo sa pagpabakuna para matuloy matapos na ang ating covid pandemic at sa ating sitwasyon dito sa Pilipinas at mapagtuloy po tayo sa herd immunity,” paglilinaw naman ni PHA COUNCIL ON PHARMACOLOGY CHAIR DR. RICHARD HENRY TIONGCO.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post May sakit sa puso huwag mangamba sa bakuna – PHA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
May sakit sa puso huwag mangamba sa bakuna – PHA May sakit sa puso huwag mangamba sa bakuna – PHA Reviewed by misfitgympal on Abril 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.