Kinabiliban Ang Matandang Ito Na Nagbebenta Ng Mga Gulay Sa Kabila Ng Kanyang Edad At Nakuha Ang Simpatya Ng Tao Ng Makitang Nakatulog Ito Habang Nagtitinda
Mahirap man isipin na karamihan sa ating mga Pilipino ay napapabilang sa mga lower class, minsan tinatawag pang “isang kahig isang tuka”. Dahil sa kahirapan kaya karamihan sa mga matatanda na ay pinipilit pa ring maghanapbuhay para makatulong sa pamilya at may pangtustos sa pang araw-araw nila.
Kung lubos nating iisipin na ang mga matatanda ay dapat nagpapahinga na at enienjoy nalang ang kanilang buhay. Bagamat may mga benepisyong natatanggap ang mga senior citizen hindi parin ito sapat upang maging maginhawa ang mga buhay nila dahil may iba sa mga Pilipino ang umaasa pa rin sa kanilang mga magulang kahit hirap na ito makapagtrabaho dahil sa may katandaan na ito.
Isang kwento na naman ng isang matanda ang nag viral sa social media matapos makuhaan ito ng litrato na natutulog habang nagbebenta ng mga gulay sa tabi ng kalsada. Kita sa matanda ang pagod at hirap na kanyang iniinda, imbes na magpahinga at makihalubilo sa kanyang pamilya mas pinili niyang magkayod. Talagang marami ang nadurog ang puso sa nakitang sitwasyon ng matanda.
Hindi natukoy ang pagkakakilanlan ng matanda at ang sitwasyon nito sa kanyang pamilya. Kung meron pa ba talaga siyang kaanak na inuuwian o talagang mag-isa nalang siya sa buhay. Kahit na ganoon, isa lamang ang tunay, na siya’y nagsusumikap makabenta para kumita ng pera.
Sa ganitong mga kalagayan talagang nakakaawang pagmasdan ang mga matatandang nahihirapan. Kaya’t panawagan sa ating mga kapwa Pilipino na may mabubuting loob, nawa’y tumulong tayo sa mga nangangailangan. Ganoon din sa ating Gobyerno sana mapagtuunan natin ng pansin ang mga ganitong bagay.
Para sa mga anak, habang may ibinibigay ang magulang ay inyong pahalagahan, mag sumikap at suklian ang mga sakripisyo nila. Wag hahayaang maghirap at mapagod ang mga magulang lalo na kong sila’y matatanda na. Tungkulin at obligasyon nating alagaan sila.
The post Kinabiliban Ang Matandang Ito Na Nagbebenta Ng Mga Gulay Sa Kabila Ng Kanyang Edad At Nakuha Ang Simpatya Ng Tao Ng Makitang Nakatulog Ito Habang Nagtitinda appeared first on Make To Simplify.
Source: We Buzz News
Walang komento: