
SINIMULAN na noong Biyernes, Abril 16 ng pamahalaang lungsod ng Maynila at sa utos ni Mayor Isko Moreno ang pagbabakuna sa mga ‘bedridden’ ng mga residente ng lungsod sa pamamagitan ng home service.
Nabatid na inatasan na ni Moreno si barangay bureau head Romy Bagay para ipabatid sa mga barangay chairman ang memorandum na nagsasabing hanapin at ilista ang lahat ng walang kakayahang makapunta sa vaccination sites para sa sinimulang home service vaccination.
Layunin nito na mabigyan ng proteksiyon laban sa COVID-19 ang lahat ng sektor, lalo na ang mga hindi na makalakad.
Nanawagan na rin si Moreno sa sinumang mga kasama sa bahay na magtungo sa kanilang barangay at ipatala ang kanilang bedridden household members.
Kailangang nakalagay din sa listahan ang pangalan ng guardians o caregivers, complete address, contact number at email address, kung mayroon.
Ipadadala naman ng barangay ang listahan sa manilahomevaccination@gmail.com sa loob ng 48 na oras matapos ang inihaing request, anumang edad. (ANDI GARCIA)
The post Home service na COVID-19 vaccine sa mga ‘bedridden” na Manileño, sinimulan na — Isko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: