SINALAKAY ng mga otoridad ang indoor plantation ng marijuana at cannabis drying room sa isang hotel at sa isang apartment na parehas na pag-aari ng isang negosyante sa Cauayan City, Isabela.
Kinilala ang naaresto na si Joey Uy, 34 anyos, residente ng Barangay. Nungnungan 2, Cauayan City.
Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib-pwersa ng PNP Cauayan City, PIU, IPPO, at Isabela PDEA Region 2 sa bisa ng search warrant mula sa sala ni Judge Reymundo Aumentado ng RTC Branch 20, Cauayan City.
Unang sinalakay at hinalughog ng mga otoridad ang stock room ng Zerex Hotel sa Brgy. Nungnungan 2 na pagmamay-ari ng pamilya ni Uy at nakuha rito ang isang improvised incubating cabinet kungsaan pinapatuyo ang mga harvested marijuana; 3 dried marijuana leaves na nakabalot ng aluminum foil at plastic; 3 kahon ng dried marijuana leaves; 1 transparent plastic na naglalaman ng marijuana ashes; 4 bala ng kalibre 45 na baril; 5 bala ng kalibre 9mm; 5 incubating led light machines; 7 seedling trays at pots at iba pang kagamitan na ginagamit sa pag-aalaga ng mga pananim na marijuana.
Kasunod nito ay nasamsam sa tinutuluyan na apartment ni Uy sa Villarta St., Bgy. District 1, ang isang kahon na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana; plastic bag na naglalaman ng dried marijuana leaves with stalks; 3 paso na may tanim na dried marijuana seedlings; 2 portable digital weighing scale; 9 incubating led lights; 3 carbonized filters; 1 kahon na naglalaman ng aluminum exhaust tube at 3 carbonized filters.
Si Uy ay kabilang sa Drugs Individual o “DI list” ng PNP at PDEA.
Batay sa pagsisiyasat ng mga kasapi ng PDEA, ang mga variety ng nasamsam na marijuana ay hindi tulad ng mga local marijuana na matatagpuan sa Pilipinas kayat posibleng galing ito sa ibang bansa.
Nakakulong ngayon si Uy sa Cauayan City Police Station. (Rey Velasco)
The post Hotel at apartment ng negosyante sa Isabela sinalakay: bulto-bulto ng high-grade marijuana nasamsam appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: