Facebook

SK president sa Laguna binistay ng bala mismo sa loob ng kuwarto

LAGUNA – Pinagbabaril-patay sa loob mismo ng kanyang kuwarto ang isang Sanggunian Kabataan (SK) President sa Barangay Maytalang I, Lumban dito sa lalawigan.
Sa ulat ni Police Capt. Jose Marie Pena, hepe ng pulisya, nakilala ang biktima na si Renzo Matienzo, 26 anyos, residente ng Cosme street, Bgy. Maytalang 1.
Naganap ang insidente 5:15 ng hapon ng Martes habang nasa loob ng kanyang kuwarto si Matienzo. Pinasok ito ng anim na armadong pawang nakasuot ng bonnet at binistay ng bala.
Tumakas ang mga salarin lulan ng isang sasakyan.
Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit binawian ng buhay dahil sa mga tama ng bala sa kanyang ulo at katawan.

Palaisipan sa pamilya ng biktima kung ano ang motibo sa pamamaslang dahil wala naman umano ito kaaway.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya.
(Dick Garay)

The post SK president sa Laguna binistay ng bala mismo sa loob ng kuwarto appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SK president sa Laguna binistay ng bala mismo sa loob ng kuwarto SK president sa Laguna binistay ng bala mismo sa loob ng kuwarto Reviewed by misfitgympal on Abril 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.