Facebook

P210m shabu huli sa 2 napatay na tulak sa Las Piñas

MAHIGIT sa P210 mil-yong halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya ng Las Piñas City sa drug buy bust operation sa lungsod.
Nasawi sa operasyon ang mga kilalang tulak na sina Coco Amarga at Andrew Garcia sa Barangay Almanza.
Ayon kay PNP Chief, General Debold Sinas, nakabili ang pulis na nagpanggap na buyer sa mga suspek ng P1 milyong halaga ng shabu. Nagpaputok umano ng baril ang mga suspek nang mahalatang pulis ang kanilang binentahan. Agad gumanti ng putok ang mga pulis at napatay ang dalawang tulak.
Nakuha sa crime scene ang dalawang caliber .45 na baril.
Hinala ng pulisya, nanggaling sa Pampanga ang droga at nakatakda itong ibenta sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon.
Itinuturing ng PNP na mga bagong mukha ang mga napatay na tulak dahil hindi sila kasama sa drug watchlist ng PNP. (Mark Obleada)

The post P210m shabu huli sa 2 napatay na tulak sa Las Piñas appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P210m shabu huli sa 2 napatay na tulak sa Las Piñas P210m shabu huli sa 2 napatay na tulak sa Las Piñas Reviewed by misfitgympal on Abril 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.