Facebook

SB member sa Isabela bumisita sa namatay sa covid, patay rin

NASAWI sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang miyembro ng Sangguniang Bayan ng San Isidro, Isabela matapos mahawaan nang bumisita sa kamag-anak nitong naospital at namatay rin sa nasabing sakit.
Kinilala ang biktima na si Froilan Tumamao na namatay nitong Martes ng umaga at inilibing din kaagad batay sa patakaran sa paglilibing ng namatay sa covid.
Paliwanag ni San Isidro Mayor Vilmer Bravo, binalewala ni Tumamao ang mga sintomas na kanyang naramdaman, humiwalay siya sa kanyang pamilya at nagpatuloy ito sa self-quarantine kahit makaraang magpositibo sa swab test.
Nagpatakbo na lamang ang biktima sa ospital nang hindi na nito makayanan ang sakit na nararamdaman at lalong nahirapan ito nang hindi siya tanggapin sa unang ospital na pinagdalhan sa kanya at sa ikalawa na siya nalagutan ng hininga.
Dahil sa pangyayari, pinasara kaagad ni Bravo ang munisipyo ng tatlong araw at inobliga ang lahat na magpa-swab test, may sintomas o wala, lalo’t dumalo pa si Tumamao sa huling sesyon ng Sangguniang Bayan.

The post SB member sa Isabela bumisita sa namatay sa covid, patay rin appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SB member sa Isabela bumisita sa namatay sa covid, patay rin SB member sa Isabela bumisita sa namatay sa covid, patay rin Reviewed by misfitgympal on Abril 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.