Facebook

Kaso isasampa ng Grab rider vs brgy. execs

Minabuting ng food delivery rider sa nag-trending na “lugaw video” na idulog na sa korte ang nangyaring insidente sa pagitan ng barangay officials sa Brgy. Muzon, Bulacan.
Ayon kay Marvin Ignacio, ang grab driver na na-trauma ito sa ginawa ng barangay officials mula sa Muzon, San Jose del Monte.
Napag-alaman na nagpa-blotter na rin si Ignacio sa pulis para sa pagsasampa nito ng kaukulang kaso.
“Pinag-iinitan na po ako rito sa lugar namin, nakokompromiso na po ‘yung buhay ng pamilya ko dahil sa pangha-harrass. Gusto ko po sana silang bigyan ng leksiyon, harapin po nila ‘yung ginawa nila sa akin para hindi na po ito pamarisan kung may iba pa pong gustong gumawa nito matakot na po. Sa legal action na lang po tayo magharap,” punto pa ni Ignacio.
Matatandaan nitong Biyernes, humingi na ng paumanhin si Phez Raymundo ng Barangay Muzon sa publiko, partikular sa mga na-offend na filipino sa kanyang nabangit. At humihingi rin ito ng paumanhin kay Ignacio na grab driver, at sa may-ari ng Lugaw Pilipinas. (Jame de Jesus)

The post Kaso isasampa ng Grab rider vs brgy. execs appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kaso isasampa ng Grab rider vs brgy. execs Kaso isasampa ng Grab rider vs brgy. execs Reviewed by misfitgympal on Abril 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.